Baco Tourism, Culture and The Arts

Baco Tourism, Culture and The Arts This is the Official Page of Tourism, Culture and the Arts of Municipality of Baco.

Noong ika-3 ng Pebrero 2025, bumisita sa Infinity Farm sa Mangangan 1, Baco ang nasa 200 na mga mag-aaral at faculty mul...
04/02/2025

Noong ika-3 ng Pebrero 2025, bumisita sa Infinity Farm sa Mangangan 1, Baco ang nasa 200 na mga mag-aaral at faculty mula sa sa dalawampu’t pitong State Universities and Colleges (SUC’s) sa buong rehiyon ng Luzon.

Ang pagbisitang ito ay bahagi ng 27th PSABE-PPG Annual Luzon-Wide Convention (ABECON 2025) na ginanap sa Mindoro State University mula Enero 29-31,2025 na may temang “Modernizing Agriculture for Food Security and Sustainable Farming. Isa nga sa binisita ng mga delegado ay ang Infinity Farm na kung saan sila ay masayang sinalubong at binigyan ng souvenir ng mga kawani mula sa Municipal Tourism Office na pinamumunuan ni Tourism Officer I Bejay Dimalibot.

Ayon sa kaniya , isa sa mga programa ni Mayor Allan A. Roldan ay ang palakasin ang turismo sa ating bayan upang makapagbigay ng maraming trabaho para sa mga Bacoeños. Isa ang maayos at maunlad na turismo sa nagdala sa ating bayan upang kilalanin bilang 1st Class Municipality.

Nagpasalamat naman ang mga organizers ng nasabing tour sa pamunuan ng Infinity Farm, Baco MPS, MDRRMO lalong higit sa Tourism Office para sa isang makabuluhang pagbisita sa maunlad na Bayan ng Baco.

31/01/2025

Welcoming the 27th PSABE-PPG Annual Luzon-wide Convention(ABECON2025) Delegates at Infinity Farm


26/01/2025

Sheryn Regis' Version of "I Love You" by Celine Dion

-
104th Founding Anniversary Grand Concert
Handog ni Mayor Allan A. Roldan





Maraming salamat, Crystal Voice of Asia, Sheryn Regis! ✨
26/01/2025

Maraming salamat, Crystal Voice of Asia, Sheryn Regis! ✨

Maraming salamat, Repakol Band! 🎸🤘
26/01/2025

Maraming salamat, Repakol Band! 🎸🤘

𝗜𝗡𝗔𝗨𝗚𝗨𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗢𝗙 𝗔𝗕𝗖 𝗮𝗻𝗱 𝗦𝗞 𝗕𝗨𝗜𝗟𝗗𝗜𝗡𝗚 | 104th Founding Anniversary of Baco Sa okasyon ng ika-104 na Anibersaryo ng Pagkaka...
26/01/2025

𝗜𝗡𝗔𝗨𝗚𝗨𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗢𝗙 𝗔𝗕𝗖 𝗮𝗻𝗱 𝗦𝗞 𝗕𝗨𝗜𝗟𝗗𝗜𝗡𝗚 | 104th Founding Anniversary of Baco

Sa okasyon ng ika-104 na Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Bayan ng Baco, isang makasaysayang araw ang nasaksihan ng mga Bacoeño sa pagpapasinaya ng bagong gusali ng Association of Barangay Captains (ABC) at Sangguniang Kabataan (SK) na pinangunahan ni Mayor Allan A. Roldan naisakatuparan sa pamamagitan ng sCong. Arnan C. Panaligan - House of Representativessentatives.

Ang nasabing gusali ay nagbigay-diin sa kahalagahan ng pagkakaisa at suporta ng mga lingkod-bayan ng lokal na pamahalaan at kani-kanilang mga sektor na pinaglilingkuran. Ito ay mayroong mga modernong pasilidad na makatutulong sa ABC at SK Federation upang makapaghatid ng mas maaasahang serbisyo.

Gayundin naman, bilang pagbibigay-suporta sa proyektong kapaki-pakinabang sa lahat, dumalo sa inagurasyon sina Konsehal Arlene Pereña, Konsehal Jay Lorence Najito, Konsehal Manoy Ical, Konsehala Severina Jimenez, Konsehal Dionisio Hernandez, at MLGOO Amelia Ramos.

Nandoon din upang makiisa at magbigay-suporta sina Bokal RL Leachon, Bokal Jocy Neria, at Hon. Charles Pansoy.

Ang inagurasyon ng ABC at SK Building ay hindi lamang simbolo ng maayos na pamamahala, kundi isang patunay na ang Bayan ng Baco ay patuloy na umaangat sa ilalim ng mapagkalingang pamumuno ni Mayor Allan at ng kaniyang administrasyon. Isa itong patotoo na ang matapat at maaasahang na lider ay kayang magdala ng positibong pagbabago hindi lamang para sa bayan at mamamayan, kundi pati na rin sa kanyang mga kapwa lingkod-bayan. Mga lingkod-bayang pinagbuklod ng iisang hangarin, ang patuloy na makapaglingkod sa bayan, para sa ikabubuti ng bawat mamamayan.




𝗚𝗥𝗔𝗡𝗗 𝗖𝗢𝗡𝗖𝗘𝗥𝗧 | 104th Founding Anniversary of BacoIsang gabi ng musika at kasiyahan ang nagbigay-buhay sa pagdiriwang ng...
26/01/2025

𝗚𝗥𝗔𝗡𝗗 𝗖𝗢𝗡𝗖𝗘𝗥𝗧 | 104th Founding Anniversary of Baco

Isang gabi ng musika at kasiyahan ang nagbigay-buhay sa pagdiriwang ng ika-104 Taon ng Pagkakatatag ng Bayan ng Baco sa pamamagitan ng makasaysayang Grand Concert. Tampok dito ang Crystal Voice of Asia na si Sheryn Regis na naghandog ng mga awiting puno ng damdamin, at ang Repakol Band, na naghatid ng masiglang enerhiya sa entablado. Ang konsiyerto ay naging simbolo ng tagumpay at pagkakaisa ng mga Bacoeño habang ipinagdiriwang ang mga makabuluhang tagumpay ng bayan.

Naisakatuparan ito sa pangunguna ni Mayor Allan A. Roldan, sa tulong ng mga opisina ng lokal na pamahalaan— Municipal Tourism Office sa pamumuno ni Tourism Officer I Bejay C. Dimalibot, Mayor’s Office sa pangunguna ni Chief of Staff Lile Kristine Escueta, Municipal Engineering Office, Mayor’s Extension Office na pinamumunuan nina Juliebeth Hernandez at Dexter Manongsong, Public Information Office, LYDO, Sangguniang Bayan, at iba pang opisina sa pagbibigay ng kanilang suporta sa kaganapan.

Ang engrandeng konsiyerto na ito ay hindi lamang isang selebrasyon kundi isang pagkilala rin sa pag-usbong ng Bayan ng Baco mula sa pagiging Third Class Municipality tungo sa pagiging First Class Municipality. Bahagi ito ng patuloy na pagsusumikap ni Mayor Allan A. Roldan na maglingkod nang tapat sa bayan at iparamdam sa mga Bacoeño ang diwa ng pagkakaisa, tagumpay, at kasiyahan.





𝗙𝗢𝗨𝗡𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗔𝗡𝗡𝗜𝗩𝗘𝗥𝗦𝗔𝗥𝗬 𝗛𝗢𝗟𝗬 𝗠𝗔𝗦𝗦 | Pinangunahan nina Rev. Fr. James Benjie Manalo at Rev. Fr. Joseph Paolo Castillo ang is...
26/01/2025

𝗙𝗢𝗨𝗡𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗔𝗡𝗡𝗜𝗩𝗘𝗥𝗦𝗔𝗥𝗬 𝗛𝗢𝗟𝗬 𝗠𝗔𝗦𝗦 | Pinangunahan nina Rev. Fr. James Benjie Manalo at Rev. Fr. Joseph Paolo Castillo ang isang banal na misa ng pasasalamat na kung saan ay sama-sama nating ipinalangin ang patuloy na biyaya, pag-unlad, at pagkakaisa ng ating bayan kasabay ng pagdiriwang ng ika-104 Taon ng Pagkakatatag ng Bayan ng Baco, Enero 25.

Dumalo ang mga kawani ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Baco sa pangunguna ni Mayor Allan A. Roldan kasama ang Sangguniang Bayan at iba’t ibang grupo mula sa iba’t ibang sektor ng ating bayan. Ang misa ay naging simbolo ng ating pagkakabuklod bilang isang bayan na may pagkakaisa at pananampalataya.




Tara na’t makisaya ngayong gabi! 🤘🏻💙
25/01/2025

Tara na’t makisaya ngayong gabi! 🤘🏻💙

Tara dine sa Baco at ipagdiwang ang ika-104 Taon ng Pagkakatatag ng ating bayan kasama ang Crystal Voice of Asia, Sheryn Regis at Repakol Band!

Kitakits sa handog na Grand Concert ni Mayor Allan A. Roldan mamayang ika-7 ng gabi sa Municipal Compound, Brgy. Poblacion, Baco.




24/01/2025

YES! On our way to Baco, Oriental Mindoro! See you later Bacoeños! 🌊🛳️

𝗖𝗢𝗟𝗢𝗥𝗙𝗨𝗟 𝗖𝗨𝗟𝗧𝗨𝗥𝗘 𝗢𝗙 𝗖𝗨𝗟𝗜𝗡𝗔𝗥𝗬 | Tampok sa pagdiriwang ng 104th Founding Anniversary ang Cooking Fest: Tara Dine, Kain Tay...
24/01/2025

𝗖𝗢𝗟𝗢𝗥𝗙𝗨𝗟 𝗖𝗨𝗟𝗧𝗨𝗥𝗘 𝗢𝗙 𝗖𝗨𝗟𝗜𝗡𝗔𝗥𝗬 | Tampok sa pagdiriwang ng 104th Founding Anniversary ang Cooking Fest: Tara Dine, Kain Tayo na kung saan ay binigyang diin ang kahusayan ng mga Bacoeño sa larangan ng pagluluto. Ang bawat putahe ay isang pagpapakita ng sining at kasanayan—makulay, maayos, at maingat na inihanda. Pinagsama ang likas na yaman ng Baco at ang malikhaing paggamit ng mga lokal na sangkap upang ipakita ang natatanging talento ng bawat kalahok.

Ang bawat plato ay naglalaman hindi lamang ng masasarap na pagkain, kundi ng isang karanasan—mula sa mapaglarong pagsasama ng mga kulay ng gulay at prutas hanggang sa maayos na presentasyon, ang bawat putahe ay isang obra-maestra na naglalarawan ng mayaman na kultura, kasanayan at umuunlad na sining ng mga Bacoeño.

Kaya't tara dine sa Baco, makikain, makisama, makiisa!




𝗞𝗔𝗠𝗣𝗘𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗞𝗨𝗦𝗜𝗡𝗔 | Itinanghal na kampeon sa naganap na Cooking Fest: Tara Dine, Kain Tayo! Putaheng Pinasarap sa Baco a...
24/01/2025

𝗞𝗔𝗠𝗣𝗘𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗞𝗨𝗦𝗜𝗡𝗔 | Itinanghal na kampeon sa naganap na Cooking Fest: Tara Dine, Kain Tayo! Putaheng Pinasarap sa Baco ang Cluster 9 (Brgy. Sta. Rosa 1, Alag, Burbuli) sa kanilang "Pansit na Katawan ng Papaya Guisado".

Hindi rin nagpahuli ang Cluster 8 (Brgy. Dulangan 2, San Ignacio, Lantuyang) na nagkamit ng ikalawang pwesto sa kanilang "Ginataang Labong", at ang Cluster 4 (Brgy. Tabontabon, San Andres, Pambisan) na pumangatlo sa kanilang "Nilatikang Talong with Hipon."

Sa likod ng tagumpay na ito ay ang matatalas na panlasa ng ating mga hurado—Ms. Kamil Rivera, Mr. Ezikiel Reyes, at Mr. Vheen Gozar—na kinilala ni Mayor Allan A. Roldan dahil sa kanilang dedikasyon sa pagpili ng pinakamainam na putahe.

Tunay ngang sa bawat hapag-kainan, makikita ang pagkakaisa at pagmamalaki ng ating mga kababayan sa pamamagitan ng iba't ibang mga putaheng Tatak Bacoeño!

Ang patimpalak na ito ay bahagi ng ika-104 na Taong Pagkakatatag ng ating bayan na may temang “104 Taon ng Paglilingkod: Pagdiriwang sa Tagumpay ng Bayan para sa Mamamayan.




24/01/2025

Tara dine sa Baco at makikanta kasama ang nag-iisang 𝗖𝗿𝘆𝘀𝘁𝗮𝗹 𝗩𝗼𝗶𝗰𝗲 𝗼𝗳 𝗔𝘀𝗶𝗮, Sheryn Regis !✨💙

Sama-sama nating ipagdiwang ang 104th Founding Anniversary ng Baco sa isang Grand Concert handog ni Mayor Allan A. Roldan sa lahat! Kitakits sa Enero 25, ika-6 ng gabi, sa Municipal Compound, Brgy. Poblacion, Baco.




𝗖𝗼𝗼𝗸𝗶𝗻𝗴 𝗙𝗲𝘀𝘁: 𝗧𝗮𝗿𝗮 𝗗𝗶𝗻𝗲, 𝗞𝗮𝗶𝗻 𝗧𝗮𝘆𝗼! 𝗣𝘂𝘁𝗮𝗵𝗲𝗻𝗴 𝗣𝗶𝗻𝗮𝘀𝗮𝗿𝗮𝗽 𝘀𝗮 𝗕𝗮𝗰𝗼Sa pagdiriwang ng ika-104 na Taong Pagkakatatag ng Bayan n...
24/01/2025

𝗖𝗼𝗼𝗸𝗶𝗻𝗴 𝗙𝗲𝘀𝘁: 𝗧𝗮𝗿𝗮 𝗗𝗶𝗻𝗲, 𝗞𝗮𝗶𝗻 𝗧𝗮𝘆𝗼! 𝗣𝘂𝘁𝗮𝗵𝗲𝗻𝗴 𝗣𝗶𝗻𝗮𝘀𝗮𝗿𝗮𝗽 𝘀𝗮 𝗕𝗮𝗰𝗼

Sa pagdiriwang ng ika-104 na Taong Pagkakatatag ng Bayan ng Baco na may temang "104 Taon ng Paglilingkod: Pagdiriwang sa Tagumpay ng Bayan para sa Mamamayan," matagumpay na ginanap kaninang umaga ang Cooking Fest: Tara Dine, Kain Tayo! Putaheng Pinasarap sa Baco. Ang makulay na selebrasyong ito ay alinsunod sa direktiba ni Mayor Allan A. Roldan.

Layunin ng aktibidad na ito na maitanghal ang iba't ibang putahe mula sa Bayan ng Baco na tunay na maipagmamalaki ng bawat Bacoeño. Sumasalamin ito sa masaganang yaman ng ating bayan, pagkamalikhain ng mga mamamayan, at ang kultura ng sama-samang tagumpay.

Ang kompetisyon ay sinalihan ng siyam na clusters mula sa 27 Barangay. Bawat kalahok ay nagpakitang-gilas sa kanilang natatanging mga putahe na nagbigay kulay at lasa sa okasyon.

Lubos na pasasalamat ang ipinaabot sa lahat ng mga baranggya na nakiisa sa naturang patimpalak. Gayundin sa mga miyembro ng Sangguniang Bayan na sina Konsehal Dionisio Hernandez at Konsehal Jay Lorence Najito upang suportahan ang makabuluhang gawain.

Pasasalamat din sa Municipal Tourism Office sa pangunguna ni Tourism Officer Bejay Dimalibot, sa Mayor’s Office sa gabay ni Chief of Staff Lile Kristine Escueta, at sa mga tanggapan tulad ng Mayor’s Extension Office, PIO, Municipal Engineering Office, LYDO, DSWD-KALAHI, at iba pang katuwang na nagbigay ng kanilang suporta upang maisakatuparan ang matagumpay na okasyon.

Ang Cooking Fest: Tara Dine, Kain Tayo ay hindi lamang isang selebrasyon ng masasarap na putahe kundi isang pagpapakita ng pagmamalaki sa ating pagkaing Pinoy at sa masaganang kultura ng Baco.




23/01/2025

LIVE | Simultaneous Clean-Up Drive
Launching of “Kilos Mamamayan para sa Malinis at Malusog na Kapaligiran

Address

Baco, Oriental Mindoro
Baco
5201

Telephone

+639772434736

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Baco Tourism, Culture and The Arts posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Baco Tourism, Culture and The Arts:

Videos

Share