18/06/2022
FOR YOUR KIND UNDERSTANDING..!!!
PAALALA SA MGA NAGTRA-TRAVEL
at GUSTO MAGBAKASYON....
PARA MAKATIPID at MAKA MURA
pamasahe sa eroplano, ganito po yon:
✔️Mas mura ang rates kapag malayo pa ang travel date.
✔️Mas mahal sa peak season, gaya ng December, Chinese new year, long weekend, summer, kasi maraming nagbabakasyon.
✔️Kapag nag-announce ng promo ang airline, yan ay for a limited booking period lang.
✔️Hindi po kayo hihintayin ni airline kung kelan niyo gusto mag travel.
Kasi ganito yun:
✔️Halimbawa may 200 seats ang eroplano, syempre kukwentahin ni airline kung ilan ang minimum pax niya para kumita bawat lipad.
✔️If you notice 9 pax lang bawat booking ang pwede.
Kasi hinahati ni airline ang number of seats sa 9 bawat segment.
✔️Bawat segment may presyo, simula sa cheapest promo rate.
✔️So unahan yan sa booking.
✔️Pag napuno yang unang seats na promo, next available seat na, pero mas mataas na rate, and so on.
✔️Walang deadline ang promo, paunahan ng booking yan.
BOOK & BUY YAN.
✔️At remember hindi lang ikaw ang naghahanap ng murang pamasahe. INTERNET works 25/7...😂🤣
✔️Kaya pag sinabing promo, book agad AGAD.
✔️At huwag naman maghanap ng pamasaheng 500 pesos.
✔️Kahit siguro aswang na magpasakay sa iyo sa walis niya, sisingilin ka ng higit pa diyan. 😂😂😂
✔️May piso fare nga pero hindi totoong piso lang ang babayaran mo.
✔️May taxes and booking fees pa yan, insurance at bagahe.
Kaya ang tip ko:
✔️Planuhin in advance (at least 6 months) ang travel mo. CHECK if kailangan ng visa. siguraduhing mayroon ka ng tunay na documents para sure na kuha mo yung visa. Valid passporte mo.
✔️At pag may promong swak sa travel date mo, book agad!
✔️Book Now !
✔️PAY NOW !
✔️Fly Later ! 😊