12/07/2017
Bakit paulit ulit na lang tuwing usapang investment hindi nawawala ang INSURANCE?
Mga ka peso, dito na lang po ata sa atin ang hindi mulat ang mga tao sa usaping insurance, sa ibang bansa, kapag nagkaroon sila ng hanap buhay, ang unang senisecure nila ay ang magkaroon ng INSURANCE, Bakit?
Eto po yung tinatawag nilang Income Proteksyon, ang ibig sabihin..kapag po kasi ang bread winner ng pamilya ang nawala, kasabay nito yung inaasahan ng pamilya na perang bubuhay sa kanila ay nawawala din..
Lump Sum Benefit para sa mga mahal sa buhay o Beneficiary - Eto po yung kung sakali ngang may hindi inaasahang mangyayari sa atin..kung ang Insurance natin at mayroon Face Amount na 1M. kahit po isang buwan o 1 taon pa lang tayong nakakapgbayad,, matatanggap po ng mga Benefiacy ang 1M ng hindi mafreeze ang policy, kagaya ng mga deposit sa bangko na napifreeze kapag namatay ang depositor..
Ang INSURANCE na may Investment ay mas mabilis po kasing kumita compare sa Bank Deposit, Hassle free pa, dahil ang mga Fund Managers ang nagmamanage ng mga ito..Ang kita ng perang investment mo syempre depende din po kung saang fund allocation ninyo gusto ilagay, depende po sa RISK APPETITE ninyo (Maaari nyo pong itanong ito sa mga Financial ADvisors na kilala ninyo)
Can serve as Retirement Plan, Education, Health, Real Estate, etc.- Though this is an Insurance, at meron nga po siyang Investment side..Maaari po itong gamiting Retirement Benefit, Hindi po natin kailangan mamatay para pakinabangan natin ang ating Insurance with Investment, tayo ang nag ipon, matuwid lamang na tayo ang makinabang kung dumating ang araw na may edad na tayo at ayaw nating maging pabigat (again, ask your Financial Advisor for more detailed explanation), Sa education Benefits, Heatlh etc..your Financial Advisor can help you, how to use all these options.
Angt tanong kung Mahal po ba? kung mag start po tayo ng maaga, mas mura po kesa sa may edad na..Premiums are based on age..And besides po, depende po sa Face Amount o sa laki ng gusto ninyong protection..Again, your Financial Advisor can help you in projecting on your Insurance with Investment..
Make it sure na yun pong Financial Advisor na makakausap ninyo ay hindi po kita lamang ang hangad kundi kung paano tayo maturuan ng tama at maipakita sa atin ang importansya at halaga ng bawat iinvest natin..Unawain po nating maige ang bawat paliwanag, Itanong po natin ang lahat ng hindi po natin nauunawaan..
Tandaan po, ang serbisyo po namin ay wala pong pilitan, wala pong bayad. Obligasyon po namin na ipaalam sa inyo ang kahalagahan ng INSURANCE..Nasa inyo pa rin po ang desisyon kung I sesecured ninyo ang inyong bukas o bukas ng inyong mga mahal sa buhay..
Sana po ay nakatulong ito kahit papaano.