16/12/2022
Magandang araw pa rin ho sa ating lahat!
Base po sa mga nakalathala, umpisa ngayong DISYEMBRE 16, 2022 ay may direct flights na ang Philippine Air Lines (PAL) mula sa CEBU papunta rito sa BAGUIO CITY at pabalik doon.
Mula ngayong DISYEMBRE 16, ang FLIGHTS ng PAL na CEBU-BAGUIO-CEBU ay mag-ooperate ng 4 na beses weekly:
* PR 2330 CEBU - BAGUIO: Every Monday, Wednesday, Friday & Sunday
- estimated to be departing Mactan Cebu at 08:50am, estimated to be arriving Baguio Loakan Airport at 10:50am
* PR 2331 BAGUIO - CEBU: Every Monday, Wednesday, Friday & Sunday
- estimated to be departing Baguio at 11:10 am and estimated to be arriving in Cebu at 01:00 pm
# # # # # # # # # #
Ang LOAKAN AIRPORT ay estimated na SARADO para sa CROSSING LAND VEHICLES at PEDESTRIANS ng 09:00 AM to 12:00 NOON.
Mula 12:00 NOON onwards, maaaring open daw po ito, pero hindi daw po siguradong pati para sa mga Crossing Land Vehicles.
Ito ay estimation lamang sapagkat hindi rin po mape-predict ng mga taga-CAAP ang Air Traffic sa araw-araw kung hindi nagfa-File agad ng mga Flight Plans ang mga dumarating na aircraft.
Ayon sa taga-CAAP, ginagawan pa rin nila ng paraan na ma-open agad para makatawid lalo na mga Pedestrians.
Sa parte ng Barangay LGU, na marami din naman ho ang Nagsisilbi sa Barangay na nakatira Across the Airport at kung hindi man ay may mga kapamilya, kamag-anak, kaibigan, at kayo rin po ay mga kabarangay, Hindi po natin nais na Tayo ay Nahihirapan, Hindi po natin gustong may mahirapan. Kung pwede nga po sanang katulad ng dating nakagawian noon-noon na kapag may eroplano na nag-Landing o lumipad na ay nakatatawid po Tayo agad, naki-usap naman po kami, kasama pa ho ang ating City Mayor at ibang mga miyembro ng City Council at iba pa ho na kung pwede ay mas i-shorten itong mga 3 hours na pagsasara ng runway. Sa arrival po ay mas mahirap i-shorten ang sagot. Sa departure naman, kapag masasabing mas malapit na ang PAL aircraft sa San Fernando / Clark airports ay posibleng mas mapaagang buksan ang runway sa pagtawid. Lamang po ay sana ay walang iba pong mga Private o Military Flights na bigla pong magfa-File Ng Flight Plans sa araw ng may PAL Flights. At sana rin hindi nade-delay ang mga ito, pero maaari dahil sa iba't ibang factors katulad Ng weather, wind conditions, delay ng ilang pasahero at iba pang kadahilanan. Sa ngayon din po ay may mga pagbabago sa batas para po sa mga airports. Ipilit man po natin ang dati nating nakagawian ngunit may updated na mandato rin ang CAAP kapag may mga Flights. Kapag wala naman po ay maaari po tayong tumawid. Tungkol sa Gate/Access Pass para sa mga may sasakyan na taga-across the airport, maaaring gagawin po itong muli, paki-abangan ang mga susunod na anunsiyo.
* Sa mga dating pag-uusap, nagsabi at ginawa po ng GMJoe T.I. Shuttle, Solid North Pangasinan, Airtech at Clean Airtech na mag-provide ng Libreng Sakay sa mga oras na pwede po sila (Hindi po sa lahat ng Oras). Ang Solid North Buses ay pwedeng mapuntahan sa kanilang parking area sa may Access Road, ang iba ay pumupunta sa may harap ng Old Fire Station. Ang mobile ng BCPO-Loakan Police Station PS4 at Barangay Mobile Vehicle naman din po ay nagagamit din sa pag-roving, pagmonitor sa barangay, sa mga nai-stranded at isinasabay din na nagrerender ng Libreng Sakay, kapag hindi ito nagagamit o busy sa ibang mga serbisyo/trabaho.
* Nitong Miyerkules, Disyembre 14, 2022, napag-usapan sa Konsultasyon sa Purok Ongasan Covered Court na ginusto Ng karamihan na magkaroon ng Biyahe ng Jeep Ng Loakan Jitney Transport Cooperative (LJTC) mula Central Business District (CBD) o City Proper via Loakan Road via Major Mane Road (kalsadang papuntang PMA) via Loakan Airport Service / Access Road (LASAR) papuntang Demonstration Mines Road at maaari din itong magkarga ng mga pasahero na magmumula sa:
1. Ongasan
2. Pongian
3. Mangga
4. Arupong (Access Road)
5. Suyoc (Access Road)
* Ang permanent na solusyon na pagpapatuloy ng Access Road sa bandang dulo Ng Runway sa Purok Pongian idudugtong sa Purok Kudirao ay iwo-workout Ng City Government Ng Baguio at DPWH - BCDEO para ito magawa (expropriation Ng titled lots at construction kalsada)
* Ang suhestiyon na temporary Walkway sa nasabing Lugar sa Dulo Ng Runway papuntang Purok Kudirao ay na-inspect na ng taga-Barangay at CEO na ininstruct ni Mayor. Under process pa ito sapagkat may Fenced titled lots na madadaanan kung sakali. Hindi rin daw po pwede sa TOG1 area, ayon sa kanila, sapagkat restricted area po ito
* Concern sa kalsada sa harap ng Fire Station, na tinawag na Diversion Road, kapag may Flight, sinasara ang West Pongian Gate. Kami rin po ay nagtaka noon. Ginawa nga po iyan para ho makadaan ang mga tao at may sasakyan kapag may flights. Ngunit napag-alaman na kapag ganoon daw po kahit nakalapag ang aircraft na may on-going combustion sa aircraft, maaaring anytime magkaroon ng Aksidente kaya dapat daw clear ang daanan palagi. Pero sana maremedjohan po ito para di kawawa ang mga taga-roon, ASAP sana. May mga suhestiyon na napag-usapan para maremedjo ito para tuloy-tuloy sana ang pagdaan Ng mga sasakyan at tao rito kahit on-going ang flight operations. Sana mayroong pwede rito at magawa sa lalong madaling panahon... At sana maremedjohan mamaya na wala sanang mai-stranded... Ngayong wala pang definite na remedjo dito ay makikiusap po muna tayo sa mga taga-West Pongian na mas maagang lumabas Ng inyong kabahayan kapag kailangan at bumalik na lamang kapag wala na pong flights...