06/01/2025
REAL TALK . . .
TRABAHO SA CANADA.
Sa mga gustong mag-apply ng trabaho sa Canada. Huwag maniwala sa tsismis na maraming trabaho sa Canada. Priority ngayon ng Canadian government ang mga nasa Canada na temporary residents na may valid status. Hindi na pwede na mag-apply ng Work Permit ang mga Visitor sa Canada. Pahigpit ng pahigpit ang mga Immigration requirements kaya maraming "REFUSAL" ng temporary visa applications tulad ng Student, Visitor at Worker.
Marami na ring pinapauwi na mga out of status sa Canada. Pati mga International Students ay hirap makahanap ng trabaho kaya may mga nawawalan ng status at pinapauwi.
Huwag maniwala sa mga matatamis na salita ng agent o agency na maraming trabaho sa Canada at madaling makahanap ng trabaho.
Yong mga nagpupunta sa Canada bilang Visitor pero planong maghanap ng trabaho at employer ay huwag na ninyong ituloy dahil mapapasubo lang kayo.
May isang nagtanong sa akin na niyayaya siyang mag-apply ng Canada bilang Visitor para mag-alaga sa anak ng kakilala niya. Bawal o illegal ang ganyang arrangement. Ang isang VISITOR ay bibisita lang sa Canada at hindi pwedeng magtrabaho. Kong Visitor ka at nagtatrabaho ka ay "YOU ARE IN VIOLATION OF THE CONDITIONS OF YOUR VISITOR VISA AND IF YOU ARE CAUGHT, YOU WILL BE DEPORTED BACK HOME WITH A BLACK MARK ON YOUR IMMIGRATION RECORD".
Mahihirapan ka ng maka-apply pabalik ng Canada at kahit pa sa ibang bansa. Government's share Immigration record/info sa mga visa applicants kaya hindi maitatago ang bad immigration record mo.
YOU ARE WARNED.
NOTE: FEEL FREE TO SHARE MY POST PARA MAIWASANG MALOKO ANG MGA KABABAYAN NATIN. ANG MASAKIT KONG MINSAN AY KAPWA PILIPINO ANG NANG-LOLOKO.
From Atty Jessie Tuldague
Accredited IRRC Immigration Consultant
*Philippine Lawyer