23/08/2021
FROM A DOH TRIAGE OFFICER
HERE ARE THE THINGS YOU NEED TO DO KUNG MAY NAGPOSITIVE SA BAHAY:
1. Lahat ng may close contact sa positive, dapat magquarantine for 14 days (from last exposure/ mula noong huling nakasama mo sya) and magmonitor ng symptoms.
Close contact meaning kasama mo yung infected person for at least 15 minutes sa isang room na wala kayong social distance at hindi kayo nakamask - nung may symptoms na sya or kahit pa nung 2 days before symptom onset nya (or, for asymptomatic cases 2 days prior to testing nya na positive ang naging result).
The best time to do the swab (RT-PCR) is when a person has symptoms. Yun yung time na reliable yung test.
Pag sinabi pong “symptoms”, kahit isa lang po sa sumusunod ang kabilang: ubo, sipon, lagnat, pagkawala/pagbabago ng pang-amoy o panlasa, hirap sa paghinga, sakit ng katawan/ulo, pagtatae, panghihina. Magpa-RT-PCR po sila kung mayroon kahit isa lang nito.
If the test is done too early, pwede na false negative sila kasi mababa pa ang viral load to be detected.
Yung sa mga naexpose at nagswab nang maaga at wala pang symptoms tapos negative ang result, need nyo pa din talaga tapusin ang quarantine for 14 days from exposure kasi ang incubation period ng covid is 2-11 days (ie. Mahawa ka today, pwede magpresent yung symptoms 2-11 days from now).
Huwag nang matigas ang ulo please. Huwag nyo na ikalat ang virus. Kaya tayo nagssurge ng cases kasi yung mga may sakit, labas pa nang labas.
Kung walang symptoms for 14 days, no need to swab. Deemed sila not to have covid.
2. Yung positive patient, observe for symptom progression. Kung sipon lang or minor na cough, supportive therapy lang -
💊mucolytic kung may ubo,
💊decongestant kung barado ang ilong,
💊gargle bactidol or betadine or salt solution kung itchy ang throat,
💊paracetamol kung may lagnat,
💊oral rehydration kung may diarrhea,
💊vit c + zinc once a day,
💊eat healthy,
🚰drink plenty of water,
☀️sunlight exposure every morning.
pero kung yung ubo associated with shortness of breath and/or yung fever mataas and/or iba ang level ng consciousness (tutulog tulog at di madaling gisingin), lalo na kung di nagiimprove yung symptoms for a week or more, best na machest xray at magawa ang mga necessary tests para maassess kung may pneumonia and systemic infection needing ICU or hospital admission and oxygen support.
Kung mild lang pneumonia, pwede sa bahay imanage. Supportive therapy pa din. Kung extensive yung pneumonia at mababa oxygen saturation at hirap huminga ang pasyente, hospital dapat.
Pero kung mild symptoms lang, gagaling naman yun magisa. Tapusin lang quarantine ng 10-14 days and dapat wala nang symptoms for at least 3 days.
Nagsshed kasi ang covid patient ng infectious virus for upto 8-10 days. Wag na po kayo manghawa ng ibang tao.
Wag matakot magpaRT-PCR. yan kasi ang confirmatory test. Kung symptomatic ka, magpaRT-PCR ka na para makapagcontact tracing tayo at malimit ang spread ng infection. Social responsibility yan.
Maginquire sa LGU nyo. May mga LGU na libre ang swab. Inform nyo po sila para matulungan nila kayo.
Sana po ay nakatulong ito ❤️
Btw, ako po ay DOH medical officer sa COVID ER/Triage. Ang mga sinabi ko po ay based sa interim guidelines ng PSMID at DOH. Huwag po basta maniwala sa mga taong wala namang experience sa paghandle ng covid cases. Alamin po muna kung reliable sila. Hindi dahil natitickle nila ang curiosity ninyo sa notions nila ay susundin nyo na po agad lahat ng sinasabi nila. Kapakanan nyo po ang inaalala naming mga doctor.
P.S. okay lang naman po magsuob kung nakakaluwag ng baradong ilong. Huwag lang masyadong mainit at baka mapaso ka naman. Huwag din magsusuob nang may kasama sa kwarto. Mas madali magspread yung droplets na may virus. At tandaan na hindi gamot sa covid ang suob. Hindi naman mapapatay ng init yung virus na nasa loob na ng katawan mo.
😷😷😷😷😷😷😷😷😷😷😷
Kindly share this sa mga kakilala niyo po. Mag 2 years na tayo sa pandemic, marami pa din ang ayaw maniwala sa COVID or in denial pa din or hindi alam kung ano ang gagawin.
HELP SAVE A LIFE. Magingat po tayong lahat.🙏😷🙏