13/09/2020
FYI
TO ALL AIRLINE PASSENGER FOR DOMESTIC FLIGHT
REQUIREMENTS NEEDED para makauwi sa probinsya:
1.MEDICAL CERTIFICATE
2.TRAVEL PASS
3.TRAVEL AUTHORITY
4. ACCEPTANCE LETTER from CONCERN LGU
SAAN ITO PWEDENG KUNIN O I-PROSESO?
1. MEDICAL CERTIFICATE- sa ospital kung saan ka irerefer ng barangay
2. BRGY. TRAVEL PASS- sa inyong barangay hall /City or Municipal HALL
3. TRAVEL AUTHORITY- sa PNP STATION sa inyong lugar.
4. ACCEPTANCE LETTER - kung saan lugar po kayo pupunta.
MGA PAMAMARAAN PAANO ITO MAKUHA:
1. Pumunta sa inyong barangay at magtanong kung paano makakakuha ng medical certificate
_at papupuntahin ka nila sa health center or hospital ng inyong lugar.
Depende sa barangay ninyo kung saan kayo irerefer na hospital po.
-may Laboratory Test (at matagal pa po ninyo itong makukuha) kaya kung gusto mong umuwi kabyahero, iprocess mo na ito
Note: pinaka matagal na proseso ang pagkuha ng medical certificate, ayon sa client ko - isang linggo nila itong prinoseso.
Kumpara sa ibang documents na pwede namang ma proseso sa loob ng isang araw.
NOTE:
sa client ko, nakuha nila ang medical certificate nila after 1 week dahil may bayad.
Pero kapag libre, dadaan ka muna sa 14 days quarantine
2. Pag nakakuha kana ng medical certificate, ay pwde kanang bumili ng ticket mo pauwi, kasi may fifill-upan ka po na Form sa barangay nyo para sa pagkuha ng Travel Pass. Kailangan po kasi sa travel details nyo.
At pag nakuha mo na lahat ng nasa 1 and 2,
3. Pumunta sa PNP para iprocess ang TRAVEL AUTHORITY
-maghintay lamang ng limang (5) araw para marelease at matanggap mo ang iyong TRAVEL AUTHORITY
Paalala:
Habang magpo process ng medical certificate,
Makipag- coordinate po muna sa LGU na uuwian ninyo.
Tawagan ang kamag-anak at magpakuha ng ACCEPTANCE LETTER.
Tatawagan kasi ng LGU kung saan ka ngayon ang uuwian mong probinsya o LGU para kumpirmahin ang iyong pag-uwi.
Mas madali ang pagkuha ng travel authority kapag ang iyong kamag-anak sa iyong uuwian ay nakapunta rin sa LGU municipal office para ipaalam na uuwi ka at makakuha ng acceptance letter.
Pag nakakuha na ng ACCEPTANCE LETTER ang iyong kamag-anak ay pakuhanan ito ng picture at nararapat na isend ng kamag-anak mo sa messenger dahil ikaw na byahero ay ipapakita mo ito sa Pnp upang di kana mahirapan sa pagkuha ng travel authority.
TRAVEL DOCUMENTS REQUIRED FOR TRAVEL: (kapag nasa Airport kana)
May mag aassist sa inyo na mga personnel sa airport upang makakuha ng HEALTH DECLARATION AT PASSENGER LOCATOR
Mga Documents na dapat hawak mo habang nasa Airport:
🔹Valid I. D
🔹Confirmed Flight Ticket
🔹Temperature check-upon departure in the origin airport
🔹Health Declaration- upon declaration in the origin airport
🔹Travel pass
🔹Passenger locator form
FYI- social distancing and wearing of face mask and face shield required in the airport
Ingat sa pag-uwi byahero.