16/03/2022
✈REMINDER TIPS Byahero. ✈️
PAALALA SA MGA NAGTRA-TRAVEL 🛫 at 🏝GUSTO MAGBAKASYON.
"THE EARLIER YOU BOOK, THE LOWER FARE YOU WILL GET." Never ever po mangyayari na 1-2 days before your travel date, may makukuha pa kayong promo. WALA PO! As in WALA!!😜 Tapos magrereklamo kayo ang mahal naman. Instead na mapa-mura kayo, baka mapamura talaga kayo sa sobrang mahal ng ticket. 😂
KAYA PARA 💯% MAKATIPID at 💯% MAKA-MURA ng pamasahe sa ✈️ eroplano, ganito po yon:
✅ Mas mura ang rates kapag malayo pa ang travel date (atleast 2-3 months before).👍
✅ Mas mahal ⚠ sa PEAK SEASON, gaya ng 🎄December and 🏖 Summer, kasi maraming nagbabakasyon. 👍
✅ Kapag nag-announce ng promo ang airline, yan ay for a limited booking period and selected dates lang. 👍
Hindi po kayo hihintayin ni airline kung kelan niyo gusto mag travel. 👍
KASI GANITO YON:
✅ Halimbawa may 200 seats ang eroplano
✅ Syempre kukwentahin ni airline kung ilan ang minimum pax niya para kumita bawat lipad.
✅ If you notice 9 pax lang bawat booking ang pwede.
✅ Kasi hinahati ni airline ang number of seats sa 9 bawat segment.
✅ Bawat segment may presyo, simula sa cheapest promo rate.
✅ So unahan yan sa booking.
✅ Pag napuno yang unang segment...
✅ Next segment available na, pero mas mataas na rate, and so on.
✅ Walang deadline ang promo, paunahan ng booking yan.
✅ At remember, hindi lang ikaw ang naghahanap ng murang pamasahe.
✅ Kaya pag sinabing promo, book na.
✅ At huwag naman 🔎maghanap ng pamasaheng 500 pesos.
⭕ TAKE NOTE:
📌 May piso fare nga pero hindi totoong piso lang ang babayaran mo.
📌 May taxes and booking fees pa yan, insurance at bagahe.
KAYA ITO ANG🔑 TIP KO:
Una: Planuhin in advance (at least 6 months) ang travel mo. 👌
Pangalawa: Kung may promong swak sa travel date mo, book mo na agad.💕