04/10/2015
Natuto akong gumamit ng motor ng turuan ako ng tatay ko gamit ang tricycle namin na gamit sa negosyo. Opo hindi ako natuto ng 2 wheels lang, hindi pa noon uso ang mga automatic, Yamaha RS 100 pa yung motor. Since marunong akong mgbisikleta naging madali na lang sakin ang pagtransition sa 2 wheels with clutch. After ng graduation ko sa college(2008) doon lamang ako gumamit ng single na motor Honda XRM 125 pa, unang automatic motorcycle na nagamit ko. From Bulusan to Legazpi City lang yung palagi kung malayong byahe. Then taong 2010 bumili ang tatay ko ng Suzuki Raider 150. Sa motor na eto ako unang sumubok ng malayong byahe Sorsogon-Manila Solo Ride with lakas lang ng loob at malaking directional instinct since its my first time. Nakailang beses ako nagpabalik-balik ng manila gamit ang Raider 150. Sa motor din eto una akong tumawid ng dagat papuntang Tacloban makalipas lamang ang ilang buwan matapos hagupitin ng Bagyong Yolanda ang ka-Visayaan. Makalipas ang 40k mahigit na mileage ko sa Raider 150, 3-4 na taon na paglalakbay doon kung lamang naisipang mag-upgrade sa mataas na displacement. Gamit ang aking konting ipon kumuha ako ng KTM Duke 390 abs sa nagiisang bike store sa bicol ng mga european bikes ang Moto Bicol. Taong 2014 dito na talaga ako nahilig magexplore sa iba't ibang lugar na my kalsadang pwede maabot. Dito rin ako unang sumali sa Endurance race ng albay ang Motorally de Culinaria Albay ng Magayon Festival at nakatapos sa ika limang pwesto. Dito rin ako nakahanap ng mga weekend rides buddies kasi since palagi akong solo kung magride. Nawelcome ako kaagad sa barkadahan ng Team Philippines. At sa buwan ng aking kaarawan at isang taong pagpapaplano initially with my Raider 150. Ginawa ko ang aking unang North Loop. Gamit ang Duke 390 napuntahan ko ang mga lugar sa norte na hindi ko pa napupuntahan at di maisip na maabot gamit ang motor. Isa etong masayang karanasan na nagpalawak ng aking respeto sa open road. At dahil meron na akong karanasan sa unang endurance ko naghanap ako ng ibang endurance races. Andyan ang Canonball, Ironman, Motorally na mga kilalang competition gamit ang malalaking Motor. Pero ang aking naging unang test ng 1000km/24hrs ay ang Amazing Tour na natapos ko ng ika-17 pwesto. Ang aking pinakahuli ay ang KRCP Challenge, dito ako talagang masasabeng ngprepared ng maigi muntik na akong makatapos ng sa Top 10 kung hindi lang ako naka-aberya sa motor pero kahit anung nangyari nagpapasalamat pa rin ako kasi isa pa din ako finisher. At bago matapos ang taon nakatakda pa akong sumali sa Manila-Matnog-Manila sa nobyembre. Sa taong 2016 ko na din susubukang sumali sa iba pang malalaking endurance event.
Sa 7 taon kung pagmomotor simula sa Honda XRM 125, Suzuki Raider 150 hanggang KTM Duke 390 abs. At mahigit na 70k kilometers sa aking resume. Mga bagong mga nakilalang kaibigan sa pagmomotor. Mga lugar simula Sta. Ana, Cagayan hanggang Matnog, Sorsogon at isang tawid dagat hanggang Tacloban na nasakop ng aking paglalakbay. 3 endurance race gaya ng Motorally de Culinaria Albay, Amazing Tour at KRCP challenge. Mga grupong nasamahan sa rides gaya ng Team Philippines, Bicol Steel Horses at Bikers Unlimited.
Why do I ride? Its a matter of passion and expression.
Riding makes me..."fulfilled" I guess.