
14/03/2025
US TOURIST VISA APPLICATION TIPS:
IO: What Connections Do You Have to Your Home Country?
The consular officer wants to be sure that you will return home and not overstay. Kaya mahalagang ipakita ang matibay mong connection sa Pilipinas. Here are some strong ties you can highlight:
Family Ties (Pamilya at Responsibilidad) – Kung may asawa, anak, o matatandang magulang na umaasa sa iyo, malaking factor ito para sa consul. Ipakita na ikaw ay may pananagutan sa kanila at kailangang bumalik sa Pilipinas.
Stable Job or Business (Trabaho o Negosyo) – Ang matagal nang trabaho sa isang kumpanya o pagmamay-ari ng negosyo ay patunay na ikaw ay may financial stability at may babalikan kang hanapbuhay. Mas mainam kung may COE (Certificate of Employment) o business permits to support this claim.
Property Ownership or Long-Term Leases (Ari-arian o Matagalang Paupahang Bahay) – Kung may bahay, lupa, o matagal nang inuupahang tirahan, ito ay nagpapakita na ikaw ay may matibay na pundasyon sa Pilipinas at walang balak manatili sa ibang bansa.
Ongoing Studies or Community Involvement (Pag-aaral o Partisipasyon sa Komunidad) – Kung ikaw ay kasalukuyang nag-aaral o aktibong miyembro ng isang organisasyon, ipakita ito sa consul. It proves na may dahilan kang bumalik dahil may ongoing commitments ka sa bansa.
Sa madaling salita, the goal is to show that you have enough reasons to return home and that your visit to the US is purely for travel or business. The stronger your ties, the better your chances of approval.
PM me, i will assist you ❤️