28/09/2024
‘MAHALAGA ANG PERA’
Sa isang interview ay ikwinento ni Rosanna Roces ang kanyang mga napagtanto matapos niyang mawalan ng trabaho at maglustay ng pera.
"Pag ganon na nag-o-overflow (yung pera) tapos hindi mo alam i-handle, naiiba ka talaga ng pera," ayon kay Rossana.
"Saka 'yung pinaka-ayaw kong ugali noon, wala akong Diyos, hindi ako nagpapasalamat sa Diyos kaya nakakahiya," ani Rosanna.
"Parang ang Diyos ko ay pera." dagdag pa niya.
Hindi rin naman masisi ng aktres ang kanyang sarili noon dahil alam niya kung gaano makapangyarihan ang pera.
"Kahit matalino ka.. Ang unang-una ngang bibitaw sa'yo ay yung mga kamag-anak mo, 'yung mga natulungan mo.. Akala mo tutulungan ka nila? No," aniya.
"Kaya dapat maawa ka sa sarili mo, gumawa ka ng pera dahil pera is dignity, trabaho is dignity.. Pag wala ka pareho niyan kawawa ka," sabi pa niya.