
24/04/2023
Ipinag-utos ni Land Transportation Office (LTO) Chief Jay Art Tugade ang tatlong taong validity ng registration ng lahat ng bagong motorsiklo sa bansa.
Ani Tugade, ang mga motorsiklong may makina o engine displacement na 201 cubic capacity o CC pataas lamang ang kasalukuyang mayroong tatlong taong bisa ng initial registration sa ahensiya.
Kaya naman ngayon, kabilang na rin ang mga motorsiklong may makinang 200CC pababa sa 3-year registration validity.
Ayon pa kay Tugade, ito ang mga hakbang ng ahensiya upang maging mabilis ang proseso at mapagaan ang mga transaksyon sa LTO.