09/02/2023
LAGPIO-FB-0208-2023-02-25
Laguna PNP-PIO
Press Release
Wednesday, February 8, 2023
Apat na Personalidad, arestado sa magkahiwalay na drug buy-bust operation ng Calamba Pulis
Kampo Heneral Paciano Rizal –Arestado ang apat na personalidad sa magkahiwalay na drug buy-bust operation ng Calamba pulis kahapon February 7, 2023
Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn G Silvio, Acting Provincial Director, Laguna PPO ang mga suspek na sila alyas Mika, Yeye, John at Mer pawang mga residente ng Calamba City, Laguna.
Sa ulat ni Pltcol Milany E Martirez, hepe ng Calamba City Police Station nagsagawa ang mga kapulisan ng Calamba CPS ng magkahiwalay na drug buy-bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto ng mga suspek matapos matagumpay na mabilhan ng ilegal na droga ng mga awtoridad na nagpanggap bilang poseur-buyer kapalit ang buy-bust money.
Arestado sina alyas Mika at Yeye ganap na 10:50 ng gabi February 7, 2023 sa Brgy. 2, Calamba City, Laguna kumpiskado sa mga suspek ang apat (4) na pirasong plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang illegal na droga na may timabang na 1.2 gramo na may tinatayang halagang aabot sa Php 8,160.00, isang (1) coin purse, isang five hundred peso bill ginamit na buy-bust money at dalawang (2) piraso ng one hundred peso bill.
Samantala sa hiwalay na operasyon ng Calamba CPS arestado naman sina alyas John at Mer ganap na 8:31 ng gabi February 7, 2023 sa Purok 2, Brgy. Real, Calamba City, Laguna nakumpiska naman sa mga nasabing suspek ang apat (4) na pirasong plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang illegal na droga na may timbang na 1.5 gramo na may tinatayang halagang aabot sa Php 10,200.00, isang (1) piraso cigarette pack, isang (1) piraso coin purse, isang (1) piraso five hundred peso bill ginamit na buy-bust money at (5) piraso ng fifty peso bill.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Calamba CPS ang mga arestadong suspek habang ang mga kumpiskadong ebidensya ay isusumiti sa Crime Laboratory para sa forensic examination nahaharap ang mga suspek sa kasong R.A 9165 o “Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002”.
Sa pahayag ni PCOL Silvio, “Ang mga operasyon kontra ilegal na droga ay paiigtingin pa sa buong Lalawagin ng Laguna, nais po namin magpasalamat sa ating mga kababayan dahil sa pakikipagtulungan sa ating mga kapulisan para masmabilis mahuli ang mga drug personalities na ito.”