11/05/2024
๐ฝ๐๐๐ค๐ก๐ค๐-๐๐ช๐๐ข๐๐ง๐๐จ-๐๐ก๐ค๐๐ก๐ค ๐๐ค๐ก๐ค ๐ฟ๐๐ ๐๐ฉ๐๐ฃ๐๐ง๐๐ง๐ฎ (๐๐๐ง๐ฉ 1 - ๐ฝ๐๐๐ค๐ก๐ค๐, ๐๐๐ ๐พ๐๐ฉ๐ฎ ๐ค๐ ๐๐ข๐๐ก๐๐จ)
Ito yung gala na hinding hindi ka magugutom at dapat ipagpabukas nalang ang diet ๐คค
โ๏ธ Entry Point: Bacolod (via Cebu Pacific) - 11:50 AM flight (โฑ532 MNL-BCD thru Ceb Super Pass)
Kung gusto mong makatipid, pagdating sa airport, may mga van na nasa labas na pwedeng sakyan papunta sa downtown area. Meron din namang option na mag taxi at grab. Magtanong ka lang sa mga driver kung paano pumunta sa accommodation mo. Sa mismong accom na ako hinatid ng van ๐ฅน
๐ฐVan to accommodation: 200
๐จ Hometown Hotel - Lacson (โฑ945/night)
One night lang ako nagstay dito kasi wala naman masyadongn tourist destination sa bacolod, unless pupunta ka sa Lakawon at Sipalay.
Rating: 3/5, pwede na kung tulog at ligo lang ang gagawin mo plus budget friendly for a solo traveller.
๐ Car Rental - โฑ1500 for 24 hours
May friend lang ako na nagrecommend na magrent nalang ako ng sasakyan para malibot yung City. Kapag solo kasi, hassle (for me) ang magavail ng tour tapos nakamotor (mainit din kasi nung nagpunta ako sa Bacolod). Pero kung gusto mo ng tour guide, nag ooffer sila ng tour na โฑ2500.
In fairness sa Bacolod, napakadaming FREE PARKING
After mag check-in sa accom, start na ng road trip:
๐ Manokan Country - Aidaโs Chicken (โฑ175 - inasal, rice, calamansi juice)
Syempre pag narinig mo ang Bacolod, maiisip mo agad yung Inasal! Since hindi pa ako naglulunch, diretso agad ako sa Manokan Country. Based lang din sa recommendations online, nagtry ako sa Aidaโs Chicken at grabe, iba pala talaga yung lasa ng legit na Chicken Inasal ๐คค๐ซจ Sa mga mahilig sa Chicken oil, unli ang chicken oil nila ๐ซจ
๐ Travel Tip: kung pagkain ang ipinunta mo sa Bacolod, wag kang masyadong magpakabusog sa isang stop. Magkakatabi kasi yung mga recommended restaurants kaya baka hindi mo din maenjoy yung mga pagkain kapag busog ka na agad.
โช๏ธ San Sebastian Cathedral and Pope John Paul II Tower (hindi na ako nakapag stop over sa Tower dahil hindi ko makita yung parking ๐
)
Malapit lang ito sa plaza, makikita mo na din yung Bacolod signage at yung โCity of Smilesโ
๐ฐ Calea Pastries and Coffee (โฑ280 for 2 slices of cake and bottled water)
As a city girl, akala ko maliliit lang yung slice nila ng cake kaya dalawa ang inorder ko. Malaki pala yung slice nila ๐ซจ at sobrang sulit dahil hindi sobrang tamis. I ordered: Frozen Mango and Triple Mousse
๐ The Ruins (โฑ150 for entrance fee)
Also known as the Taj Mahal of Negros. May mga tour guide din dito sa The Ruins na ikkwento ang history nito. Hindi ko na natry yung pagkain sa resto nila dahil busog na busog pa din ako ๐ญ
๐ Travel Tip: Magpunta sa The Ruins around 5:00 pm, basta bago magsunset para makita mo yung dalawang version ng The Ruins before and after sunset ๐
๐ Dinner at Taverna Restaurant (โฑ455 for the meal)
Tried their Chicken Souvlaki with Fried Potato as side dish and Watermelon-Basil. Rating: 3/5 since medyo maalat (for me)
๐ Roadtrip after dinner. Passed by megaworld (sabi nung local, next bgc daw to) then back to accom.
โ๏ธ Since wala naman akong tour, late na ako gumising, nagbreakfast lang sa Bobโs Restaurant โ ito daw ang tunay na OG sa Bacolod.
๐ณ Bobโs Restaurant (โฑ440 for tapsilog and ripe mango shake). Nakalimutan kong tanungin ang best seller nila ๐
๐ Road trip to Silay (dumaan lang talaga ako sa mga โto kasi sobrang init talaga para bumaba)
- Balay Negrense (closed for maintenance)
- Balay ni Tana Dicang
- Ancestral Houses
- San Diego Pro-Cathedral
Back to accommodation, check out. Since 3pm pa yung tapos ng car rental ko, pumunta muna ako sa SM City Bacolod. As a nonchalant ferson, may nakatabi pala akong PBA player pero di ko din naman kilala, akala ko sakin magpapapicture yung mga lumalapit ๐
EME!
After kong ibalik yung sasakyan, pumunta na ako sa Brecdo Port para sa fastcraft papuntang Iloilo. Nagbook na ako in advance sa website ng Ocean Jet kasi sabi nila nagkakaubusan daw kapag last trip (4pm)
โด๏ธ Fast Craft (Oceanjet) to Iloilo (โฑ550 - ticket, if online booking +55 na booking fee)
Funny Story:
Habang naghihintay ako ng boarding sa fast craft, tumulog muna ako kasi pagoda ang ferson sa road trip. Buti nalang talaga last trip yung binili kong ticket kasi ginising na ako nung nasa boarding gate dahil ako nalang yung pasahero na nandoon ๐ญ Sa sobrang pagod ko, hindi na ako nagising sa announcement nila hahaha (wag na wag tutularan ๐
)
๐ต Upon arrival sa Iloilo port, sumakay ako ng tricycle papuntang accommodation (โฑ150)
๐ Accommodation: Ong Bun Pension House (โฑ685 per night)
Nung nagmessage ako sa FB Page nila, ang inoffer nila sakin na room ay โฑ750/night. Buti nalang na upon check-in, inoffer nila yung mas mura na aircon room with private bathroom. Tipid hack!
Halos lahat ng local, alam kung saan ang Ong Bun kaya hindi ka maliligaw. Marami na ding malapit na establishment kaya kung may kailangan ka pang bilihin, hindi ka na mahihirapan.
Since 6pm na ako nakacheck-in, nagdinner nalang ako malapit sa accom tapos tulugan na!
Overall travel tips:
๐ Sobraaaang daming pagkain sa Bacolod. Yung mga napuntahan ko, wala pa sa kalahati ng mga recommendations from friends and travellers alike.
๐ If foodie ka, sobrang maeenjoy mo ang bacolod pero kung adrenaline ju**ie ka (like me), ito na yung pinakachill na magiging trip mo.
๐ Kung may time ka pa, try visiting Sipalay. Halos lahat ng locals na nakausap ko, ito yung nirerecommend pero allot 3 days para maexplore mo at hindi ka pagod sa byahe (approx 4 hours from the city). Try contacting Kuya Joerille (sayang hindi ako natuloy)
๐ kung antukin ka, last trip yung kunin mong ferry para kung makatulog ka man sa may boarding gate, makakahabol ka pa din sa pag alis ng ferry! Jk! Hahaha
Follow the page for Part II (Guimaras)!