16/03/2020
P**I COPY AND SHARE NYO PO TOTOO PO ITO.
From a friend living in China🇨🇳
👇👇👇👇👇👇
Sa Pamilya at mga kaibigan ko Jan sa Pinas at kababayan, mag ingat at sumunod sa protocol ng gobyerno. Dito sa City namin sa CHINA NCOV free na at pati narin ang ibang county, overall ang buong China Nasa recovery at clearing stage na, may mga new infection pero d na ganun karami ang bilang nalang at sa hubei lang yan particularly, outside hubei halos wla nang new infections, kung meron man mabibilang nalang sa daliri dahil sa pag sunod sa protocol ng gobyerno, soonest back to normal na, na lockdown kami for almost 2 months, so share ko sa inyo ano gagawin ninyo pag nagka lockdown na. So, every country may Ibat ibang definition sa lockdown in terms of implementation, pero dapat alam ninyo kung anu ang pinaka importante para maiwasan na mangyari sa pinas ang nangyari sa wuhan.
1. Pag nag declare ng lockdown dapat po sumunod kayu stay at home wag gumala kung San saan, wag napo kayu lumabas ng bahay para d kayu ma expose sa virus.
2. in every household, isa lang dapat ang lalabas mamalengke O mag groceries O anu pa man na importante at need talaga lumabas. sa ganitong paraan mas ma control ang risk ng infection, madaling matrace ang virus exposure. lalo na at di masayadong advance ang technology jan sa pinas, mahirap ma trace kung saang baranggay or ST. may infected para makaiwas ang mga tao, di tulad dto sa China scan mo lang ang qr code alam mo na kung may infected sa community ninyo, in short may sistema.
3. iwasan kumain sa mga restaurant dapat take out or take away lang ang service nila, walng dine in.
4. iwasan po muna ninyo kumain/uminum ng street foods
5.ihanda ang sarili sa physical at psychological effect kasi Hindi biro po ang manatili sa loob ng bahay, sa loob ng 24 hrs in 30 days or more, sa worst scenario. at lalo pa kung mainit ang panahon Jan.
6. iwasan po makipag kamay, kung walang alcohol mag gloves at palaging maghugas ng kamay.
7. healthy diet at exercise
8. ingatan ang matatanda at mahihina ang katawan wag na sila palalabasin ng bahay hanggat maari.
9. sundin nyo po ang protocol ng gobyerno dahil sa inyong mga mamayan nakasalalay ang kaligtasan ng buong bansa, isang mag kamali damay damay napo yan, virus po yung kalaban mabilis po yan kumalat parang tsismis kung d kayu makikinig.
10. Hindi makakatulong ang kalayaan sa pag babash mga ate kuya, d uubra ang MASTERS at PHD nyo sa pag bash at paninisi.
wla po kayung ibang gagawin para maka tulong sa frontliners at sa gobyerno kundi SUMUNOD.
kung susunod po kayu maraming buhay ang maliligtas, buhay ng PAMILYA ninyo, ng kapwa Pilipino at maging sarili po ninyo. huwag nyo po gayahin ang nangyari sa ITALY. Pangalagaan po natin ang buhay ng bawat isa. HINDI PO biro ang virus, nag mutate napo yan at nakaka sa adopt sa environment ng host kaya nag kakaron na ng local transmition. HUWAG PO IPAGWALANG BAHALA.
LOCKDOWN : DON'T PANIC, STAY AT HOME. KNOW THE FACTS para alam mo kung ano ang dapat mong gawin, iwasan mag basa ng fake news at OA na balita mamatay pa kayu sa nerbyos kaysa sa VIRUS! totoo yan, kung wla kayung alam kung anu ba talaga yang NCOV, nerbyosin kayu talaga at mag panic at wala din nman magagawa kahit mag panic kayu jan.
Wla pong dpat ikatakot kung alam nyo kung papanu pangalagaan ang inyong sarili , sa inyong mga sarili po kayu mag simula, huwag napo tumingin at manisi ng iba. pag mahawa ka ng virus mahahawaan mo yung iba ganun lang yung point dun. KAYA ingatan ang sarili. Sana po magtulongtulong kayu jan, tamang disiplina po ang kailangan KABAYAN., ito po ay SUMUNOD Sa PROTOCOL ng gobyerno.
NA experience na namin yan dito sa CHINA at nakita nyo din ang nangyayari sa ITALY. NASA inyo kung alin ang tutularan ninyo, ang sumunod sa itaas para sa nakakarami O e exercise ang freedom of speech na walng maiitutulong at freedom n pwede kayu gumala at di seryosohin ang panukala ng gobyerno dahil nasa malayang bansa kayu? kayu na sumagot at ang aftermath ay nakasalalay sa inyong sagot.