09/04/2024
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐-๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐
Sa paggunita ng Ika-82 taon ng Araw ng Kagitingan na may temang "Pagpaparangal sa Kagitingan ng mga Beterano: Saligan para sa Nagkakaisang Filipino.", idinaos ang simpleng seremonya sa pamamagitan ng Flag Raising at Wreath Laying Ceremony ngayong araw, ika-9 ng Abril 2024 sa Juban Heritage Park.
Bilang pagtanaw sa kadakilaan ng ating mga bayani sa pagpapanatili ng ating soberanya at pambansanh seguridad, ginunita ng Bayan ng Juban ang Araw ng Kagitingan ngayong araw ng Martes.
Naging makabuluhan ang programa dahil na rin sa pakikipag-ugnayan ng Juban Municipal Police Station sa pamumuno ni PCPT Rudy Divinagracia, OIC Chief, sa Office of the Municipal Mayor sa pangunguna ni Mayor Gloria L. Alindogan at ng opisina ng Municipal Tourism sa pangangasiwa ni Gng. Lizpeth H. Nicolas, Municipal Tourism Officer - Designate.
Kasama ang ating mga magigiting na uniformed personnel, PNP Juban, BFP Juban sa pamumuno ni SFO3 Famela Espineda - OIC Fire Marshal, 31st IB sa pamumuno ni LTC Joy Villanueva INF (GSC) PA - Battalion Comander, Coast Guard Mobile Team sa pamumuno ni PO3 Bryan John Bantog - POIC CGMT Juban, at mga empleyado ng Lokal na Pamahalaan ng Juban. Kasama din sa nasabing okasyon si Municipal Councilor Danilo Dolosa.
Mensahe naman ni Mayor Glo na gawing makahulugan ang araw na ito sa pamamagitan ng paggunita ng katapatan at katapangan ng ating mga magigiting na mandirigma at tumindig tayo para sa ating kalayaan. Sa pamamagitan ng pagpapabutu sa ating sarili at sa ating bansa, naway maging makabuluhan pa ang kagitingan ng ating kababayan na lumaban para sa natatamasang kalayaan ng kasalukuyan.
Binigyan ding pagkilala ang bawat Jubangnong beterano na kaisa sa pagmarcha para sa kasarinlan ng ating bayan sa naganap na Bataan March na sina:
Ricardo Buban
Ruperto Golipapa
Artemio Brogada
Miguel Araojo
Rogato Guardacasa
Jose Grefaldo
Teodoro Guarin
Eliseo Cabral
Miguel Gruta
Teodoro Grefaldo
Teofisto Grefaldo
Julio Mendaro
Simeon Guasa
Patrocinio Eco
Jose Aviles Sr.
Teotimo Amosco
Teofilo Celso
Egmedio Guardacasa
Lino Alindogan
Roger Derpo
Edmundo Guarin
Amauri Guarin
Ramon Figueroa
Antonio Grueso
Moises Laguna
Vicente Alindogan
Rogelio Alindogan
Agapito Grefalda
Bonifacio Gomez
Eladio Habitan
Huwag anating kaliligtaan ang bawat taong naging ambag para sa natatamasang kalayaan ng kasalukuyang henerasyon. Naway magsilbing inspirasyon ang mga bayani upang patuloy nating ipagtanggol ang ating inang bayan.
Mula sa Lokal na Pamahalaan ng Juban,
Maligayang paggunita ng
Araw ng Kagitingan!