The Aklan Literati

The Aklan Literati Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from The Aklan Literati, Kalibo.

22/11/2023

Pinasimulan noong nakaraang taon ni Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan Virgilio S. Almario ang pagdiriwang ng Pambansang Araw ng Pagtula. Kasabay nito ang paggunita natin sa ika-129 anibersaryo ng kapanganakan ng dakilang makatang si Jose Corazon de Jesus.

Patúloy nating pagyamanin ang pambansang gunita sa pamamagitan ng ating mga tula. Mabuhay ang Panitikang Filipino!

The submission for the Inaugural Issue of ANYAG: The Journal of Aklanon Literature is now officially close!Thank you to ...
01/07/2023

The submission for the Inaugural Issue of ANYAG: The Journal of Aklanon Literature is now officially close!

Thank you to all who submitted their entries. Writers whose work will be accepted for the journal will soon be made public once the committee is done with the evaluation.

Viva Aklanon Literature!

LOOK: spot.ph features book translated by AkLit founder Phillip Yerro Kimpo and authored by UP Institute of Creative Wri...
21/06/2023

LOOK: spot.ph features book translated by AkLit founder Phillip Yerro Kimpo and authored by UP Institute of Creative Writing Director Joey Baquiran.

It is translated into English by Phillip Yerro Kimpo. https://bit.ly/3PgFrQ5

CALL FOR SUBMISSIONS: The Inaugural Issue of the Journal of Aklanon LiteratureThe Aklan Literati (AkLit), the province’s...
11/06/2023

CALL FOR SUBMISSIONS: The Inaugural Issue of the Journal of Aklanon Literature

The Aklan Literati (AkLit), the province’s leading organization of writers, is now accepting contributors for the historic first issue of “Anyag: The Journal of Aklanon Literature.”

This issue’s theme is CHANGE, in general. The journal will be made available later in the year, in time for the first-ever Kalibo Literary Festival in November, through online and print platforms. Accepted contributors shall receive a complimentary printed copy.

Submissions will undergo a pre-screening and blind refereeing process by the editors and a panel of referees from within and outside the province.

The guidelines for submission are as follows:

1. The journal accepts submissions in the following genres: Akeanon, Filipino, English.

Short prose (fiction & nonfiction) with 1-2 letter pages (about 500 to 750 words).

Suite of 3-5 poems, no longer than 1 letter page per poem, out of which the editors might select up to two poems.

2. All submissions must be original, and previously unpublished in a printed publication.

3. All submissions must be accompanied by the author’s contact information (Full Name, address, email, and phone number), portrait photo, and a biographical sketch/bionote of no more than 50 words.

4. Submissions must be emailed to [email protected]. Please use the following subject line and filename format: AKLIT JOURNAL, [Language], [Genre], [Title], [Author’s Last Name].

For example: AKLIT JOURNAL, Akeanon, Flash fiction, “Manuggaeab,” Harme. The attachment should either be a .DOC or .DOCX file.

5. All submissions should be received by email no later than June 30, 2023.

6. Open for Aklanon writers, regardless of residence (within or outside of Aklan).

Writers whose work will be accepted for journal will be announced on AkLit’s page several weeks after the submission deadline.

The editors reserve the privilege of including the works of non-Aklanon guest writers of national stature, as long as these works have deep significance or connection to Aklanon literature, culture, and heritage.

The inaugural issue’s head editor is the multi-awarded poet & AkLit founder Phillip Yerro Kimpo. Associate editors are Rommel Constantino, Aurea Paz, and Jed Nykolle Harme.

We look forward to reading your submissions. Padayon kita sa pagsueat. Viva Aklanon Literature!

22/05/2023

Isang batas na susuporta sa mga campus journalist at kanilang mga teacher-trainer ang inihain sa Konseho ng Kalibo.

Sisiguraduhin ng "An Ordinance Institutionalizing the Development and Promotion of Campus Journalism in the Municipality of Kalibo" ang paglalaan ng budget kada taon para sa mga training at workshop, pati travel subsidy sa mga Kalibonhong makakapasok sa National at Regional Schools Press Conferences (NSPC & RSPC).

Si Kalibo Councilor Phillip Yerro Kimpo, na siyang may-akda ng nasabing batas, ay isa ring manunulat at mamamahayag. Naglingkod siya bilang editor-in-chief sa ABS-CBN bago maging konsehal, at nagwagi rin sa kategoryang newswriting sa NSPC 2002 at RSPC 2001.

"Kung paano natin ngayon binibigyang parangal at suporta ang ating homegrown athletes, ganoon rin dapat para sa ating homegrown campus journalists," ayon kay SB Member Kimpo. "They are the pride of Kalibo and Aklan."

Katuwang ng konseho sa pagsulong ng ordinansa si Dennis Bontogon, g**o sa Kalibo Pilot Elementary School, at isang manunulat, historyador, at batikang school paper adviser na nakapagsanay ng maraming campus journalist na nagwagi sa samot-saring paligsahan.

"We are not pushing for this law just because we want to produce more contest winners, however. We are doing this because we believe in the values instilled by campus journalism in our youth, and how they can be better Filipinos who will be invaluable to nation-building," dagdag nina SB Kimpo at Mr. Bontogon.

[Article by The Aklan Literati.]


08/08/2022

Lalabindalawahin ni Jed Nykolle Harme

It's been months! Jed Nykolle Harme of AkLit will be one of the performing artsists of PINTIG Spoken Word Night event of...
12/07/2022

It's been months!

Jed Nykolle Harme of AkLit will be one of the performing artsists of PINTIG Spoken Word Night event of Ati-Atigan Avenue on July 30, 6 PM!

Tara! Kitakits!

Samahan niyo po kaming tumibok sa PINTIG. Ito ay araw ng pagtutula at paglalahad ng natatanging sining ng mga kabataang Aklanon!

Umibig ag masaktan sa mahikang dala ni Jed Nykolle sa darating na July 30,2022 sa
Ati-atihan Avenue.

Musyon eota!

Narito ang isang tulang Talà mula kay Phillip Yerro Kimpo, ang tagapagtatag ng The Aklan Literati bilang pakikiisa sa pa...
21/03/2022

Narito ang isang tulang Talà mula kay Phillip Yerro Kimpo, ang tagapagtatag ng The Aklan Literati bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Pandaigdigang Araw ng mga Tula.

Bilang pagdiriwang sa World Poetry Day, narito ang isang akda mula sa miyembro ng The Aklan Literati. IDTO KAMONni WJ Ma...
21/03/2022

Bilang pagdiriwang sa World Poetry Day, narito ang isang akda mula sa miyembro ng The Aklan Literati.

IDTO KAMON
ni WJ Manares

Idto kamon, ro humay ginakaon,
Idto kamon, tuba hay ginalon;
Idto kamon, li-ay hay among sueo,
Idto kamon, sa tupas gapandiho.

Idto kamon, sa suba gapaligos,
Idto kamon, dukot hay ginakumos;
Idto kamon, may anwang sa eugan-eugan,
Idto kamon, ro aswang masaligan.

Idto kamon, makabueong ro eaway,
Idto kamon, sangkurot eang ro eaw-ay;
Idto kamon, hay uso ro usog,
Idto kamon, abung paea-utog.

Idto kamon, owa't gamas-ot ra buot,
Idto kamon, tanan gahieilubot;
Idto kamon, owa it gira,
Idto kamon, bueubahado ro gasolina.

07/03/2022

IPASKIL NA ANG INYONG TANAGÀ! TUMULA TÁYO!

Isang katutubong tula ang tanagà na binubuo ng apat na taludtod, pitóng pantig ang bawat taludtod, at madalas ay monorima. Nangangahulugan ang monorima na magkakahawig ang padron o patern ng tula.

Mga Tuntunin

1. Ang pagsulat ng tanagà ay bahagi ng online na timpalak na Tumula Tayo na itinataguyod ng Komisyon sa Wikang Filipino para sa Buwan ng Panitikan. Ito ay bílang pakikiisa sa pagdiriwang ng UNESCO International Decade of the Indigenous Languages (IDIL) 2022–2032, at ng SDGs Manila ResiliArt EarthSaving Event (under UNESCO patronage) sa pangunguna ng International Theater Institute (ITI)-Philippines Center.

2. Bukás ang timpalak sa lahat ng Pilipino, maliban sa mga opisyal at kawani ng KWF at kanilang mga kaanak.

3. Ang lahok ay orihinal na tula na nakasulat sa wikang Filipino.

4. Ang paksa ng tanagà ay “Pagpapahalaga sa Kasaysayan, Kultura, Karapatan, Kapakanan, at Wika ng mga Katutubo (Indigenous Peoples)”.

5. Ang tanagà ay nása tugmang karaniwan. Ibig sabihin, magkakatugma ang hulíng pantig ng bawat taludtod o linya—patinig (may impit at walang impit) at katinig (malakas at mahina).

6. Para sa paglahok, ipaskil sa comment section ng post na ito ang inyong tanagà (isang saknong lámang at may pamagat).

7. Isang entri lang ang maaaring ilahok ng indibidwal sa kategoryang tanagà.

8. Mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng edit para baguhin ang ipinaskil na entri.

9. Ang hulíng araw ng pagsusumite ng lahok para sa tanagà ay sa 20 Marso 2022, 11:59 ng gabí. Hindi na mauurong ang araw ng pagsusumite.

10. Ang tatlong mananalo ay tatanggap ng sertipiko at sumusunod na gantimpala:

Unang puwesto, PHP5,000.00
Ikalawang puwesto, PHP3,000.00
Ikatlong puwesto, PHP2,000.00

11. Para sa pagmamarka, gagamitin ang pamantayan na:

Estruktura – 25%
Kasiningan – 25%
Nilalaman – 25%
Wastong Gámit ng Wika – 25%

12. Isang beses lámang maaaring manalo ang indibidwal sa tatlong kategorya ng Tumula Tayo!

13. Ang pasiya ng Lupon ng mga Hurado ay pinal at hindi na mababago.

14. Ang pangalan ng mga mananalo ay iaanunsiyo sa KWF page sa Abril.

Two of the spoken word artists of AkLit - The Unspoken will be performing live tomorrow in 1995 Cafe! 👀See you there!
10/02/2022

Two of the spoken word artists of AkLit - The Unspoken will be performing live tomorrow in 1995 Cafe! 👀

See you there!

BRING ME BACK TO 1995
FRIDAY NIGHT VALENTINES SPECIAL AT 1995 CAFÉ!

Need to chill? We got you! On February 11, chill at 1995 Café while enjoying the ACOUSTIC JAM & LIVE SPOKEN WORD POETRY from 6-9pm!

ACOUSTIC JAM by the APARITIA band- GE Rebito, Ayesa Ann and Alvin N. Sabiaga
LIVE SPOKEN WORD POETRY by the artists from AkLit- The Unspoken- Jed Nykolle Harme and Francis Albert Domingo

Starting tomorrow, February 9, we will be open from 10am to 9pm! Tag your barkada and chill with us! See you!

01/02/2022

AKLANON PUBLIC SERVANT AWARDED WITH THE INAUGURAL GAWAD JACINTO

Kalibo, Aklan councilor and poet Phillip Yerro Kimpo was recently named as one of two inaugural recipients of the Gawad Jacinto - LIRA, the highest award given by the national cultural and literary organization Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA).

The award is named after Emilio Jacinto, one of the nation's heroes, a poet, warrior, revolutionary, and paragon for the Filipino youth.

Kimpo was the president of LIRA from 2009 to 2015, during which he led the group to being declared as one of the Ten Accomplished Youth Organizations (TAYO) in Malacanang Palace.

During the same span, he served as the director of a nationwide literacy outreach program that ultimately served around 3,500 beneficiaries in 35 locations across the archipelago. He has continued to advocate "voluntourism," or volunteerism combined with tourism, in his stint as editor-in-chief of ABS-CBN Choose Philippines (2014-15), and in his two terms as legislator and community volunteer in his hometown of Kalibo (2016-present).

In the field of literature, Kimpo is the first and only Aklanon to win the Grand Prize of the Maningning Miclat Poetry Awards, one of the country's major literary awards. His poems have also won twice in the Talaang Ginto of the Komisyon sa Wikang Filipino ("Makata ng Taon" contest).

In 2020, the Province of Aklan through a Resolution of Commendation described Kimpo as "Aklan's poet-laureate of his generation."

Kimpo has published nine books, including his first poetry collection, titled “alattala” (NCCA, 2020). He is also the author of Aklan's official tourism coffeetable book, titled "Aklan: Land of the Finest, Land of the Fervent."

[Writeup prepared by The Aklan Literati (AkLit).]

01/02/2022

IBÁ-IBÁ O IBÁ’T IBÁ

MAY DALAWANG NAGTEXT sa akin. Isa ang sumasangguni kung paano ginagámit ang “ibá-ibá” at kung kailan angkop ang “ibá’t ibá.” Ang ikalawa’y nagtatanong kung wastong ipalagay na mas mainam ang “ibá-ibá” sa pasulát na paraan samantalang mas gamitín ang “ibá’t ibá” sa pabigkas na paraan.

Ikinatuwâ ko ang gayong mga usisa. Naiibá sa karaniwang problema kung bakit hindi dapat gitlingan ang “ibá’t ibá,” at lalo na sa salaulang pagsúlat ng “ibat-iba.” [Hindi man naísip ng salaula na hindi salitâng-ugat ng “ibá” ang “ibat” at kayâ paanong magiging inuulit ang dalawang hindi magkatulad na salitâ para lagyan ng gitling.] Bagaman marami pa ring tarantadong nagpapahayag ng “ibat-iba” sa socmed, warìng palatandaan ang aking nabanggit na dalawang text sa higit na mapaglimìng pagsúlat sa ating wika. Nakalagpas na silá sa salaulang “ibat-iba.”

Sa unang malas, walâ namang kaibhan ang “ibá’t ibá” sa “ibá-ibá.” Sa pabigkas man o sa pasulát na paraan. Sa aking palagay, kuwestiyon lang ito ng praktis o nakaugalian ng isang táo. May táong mas namihasa sa paggámit ng “ibá-ibá” at mayroon namang mas nakagawîan ang “ibá’t ibá.” Dahil kung tutuosin, walâ namang pagkakaibá sa isa’t isa ang naidudulot na kahulugan ng dalawa. Kapuwa silá singkahulugan ng “sarì-sarì,” o “sámot-sámot,” o ng matandang Tagalog na “bala-baláki.” [Sáyang at nawalâ na sa bibig natin ang salitâng ito.]

Marahil, higit lang nagagámit sa pasulát na paraan ang “ibá-ibá” dahil higit na magaang isúlat. Para sa maingat, higit ding ligtas. [At magandang payo ito sa mga salaulang nakahiligan ang “ibat-iba.”] Para hindi malito kung may gitling o walâ, mas ligtas gamítin ang “ibá-ibá.” O maganda ring ilahok sa pangungusap ang “sarì-sarì” at “samót-samót.” Para may varayti ang pagsúlat.

Sa kabilâng dako, may nasisilip din akong espesyal na gámit sa “ibá’t ibá.”

Kaugnay ito ng nahihimigan kong silbi ng “sámot-sarì” ngayon. Tandaan ang “ngayon.” Kasi walâng gumagámit ng “sámot-sarì” noon. Tuwid na “sarì-sarì” o “sámot-sámot” ang gámit ng ating mga matatanda. At dahil noon ay ginagámit ang “sarì” o “sámot” para ipakahulugan ang kantidad at baryedad na marami. Kayâ noon, ang pagsasabing “sarì-sarì” o “sámot-sámot” ay isa nang eksaherasyon para sa napakarami at napakahirap isa-isahin. E, sino pa ba gumagámit ng “sarì” o “sámot” ngayon? [Hindi naman masamâ at huwag ikahiyâ.] Kayâ marami nga ang nag-akalâ noon (Isa na ako! Hehe.) na ang “sarì-sarì” ay tulad ng “alaala” at “paruparo” na isang buong salitâ at dapat isúlat nang waláng gitling.

[Kung babalikan ninyo ang kasaysayan ng aking inedit na diksiyonaryo, pangunahing dahilan ng pagsisikap kong maglathala ng ikalawang edisyon ay ang pangyayáring natuklasan kong may matanda paláng salitâng “sarì” kayâ dapat gitlingan ang “sarì-sarì.”]

Iyon sa aking tingin ang sanhi ng paglitaw ng “sámot-sarì.” Para idiin ang pangyayári na ang inilalarawan ay higit na marami kaysa “sarì-sarì” o “sámot-sámot” lámang. Hindi ko alám kung bakit nauna ang “sámot” kaysa “sarì” sa naging kombinasyon.

Alinsunod sa pangyayáring ito ay may hakà ako na marami sa gumagámit ng “ibá’t ibá” ngayon ang nagnanais magpahayag ng eksaherasyong natutulad sa “sámot-sarì.” Kung hindi, wala namang masamâ na gamítin nilá ang mas ligtas at mas mahinahong himig ng “ibá-ibá” sa pagsúlat. Maliban, at hindi ko silá maaawat, kung talagang nakamihasnan nilá ang “ibá’t ibá” sa kaniláng ordinaryong pakikipag-usap. Mahirap baguhin ang nakamihasnan ng dilà. Subalit sana maging maingat silá sa pagsúlat. Dahil may mga bantas na gaya ng gitling o haypen (-) at kudlit o apostrope (’) na may mga tiyak na tungkulin sa pagsúlat at hindi naman natin namamalayan sa pabigkas na paraan ng paggámit sa ating wika.

SARÌ-SÁMOT
Virgilio S. Almario
Ferndale Homes
29 Enero 2022

HAPPY ANNIVERSARY! Limang taon na mula nang itatag ang spoken word arm ng The Aklan Literati. Nagpapasalamat kami sa lah...
12/12/2021

HAPPY ANNIVERSARY!

Limang taon na mula nang itatag ang spoken word arm ng The Aklan Literati. Nagpapasalamat kami sa lahat ng nakasama namin sa pagtataguyod ng kultura, sining, at panitikan sa probinsya ng Aklan. Mabuhay AkLit! Lagi't laging para sa sining, para sa bayan!

PAGDAYAW SA TAGAPAGTATAG NG THE AKLAN LITERATI!Nakatakdang parangalan si Phillip Yerro Kimpo sa kauna-unahang Gawad Jaci...
08/12/2021

PAGDAYAW SA TAGAPAGTATAG NG THE AKLAN LITERATI!

Nakatakdang parangalan si Phillip Yerro Kimpo sa kauna-unahang Gawad Jacinto-LIRA sa ika-36 anibersaryo ng Linangan sa Imahen, Retorika at Anyo (LIRA) sa Disyembre 15.

Ito ang pinakamataas na gawad ng LIRA sa mga miyembrong nagpamalas ng husay sa larangan ng pagtula at boluntaryong pagserbisyo sa organisayon.

Si Kimpo ay naging pangulo ng LIRA mula noong 2009-2015 at kasalukuyang Pangulo ng The Aklan Literati.

30/11/2021

From the organizers of Killa Kali II, we are excited to share that we will be part of JCI Aklan Kalantiao's first ever AKLAN KULTURE MOVEMENT EXPOSÉ (AKmé).

AKmé is a two-day showcase and celebration of the hiphop culture in the Province of Aklan featuring fashion, local talents of Aklan in music, visual art, B-boying, and other local hit culture. The event will be held on December 9-10,2021 at the NVC Gym. So save the date as your presence is a must!

Aside from series of exciting activities, there will also be dance battles, sketch battles, and sticker trades.

Of course, empowering Aklanon Hiphop Community, expect dynamic and ecstatic performances.

Aside from creating social awareness to the community and engaging the youth to arts to prevent them from the influence of violence and criminality, this is also organized to raise money for the benefit of students from CARLA ATI SCHOOL in Malay, Aklan.

Pagdayaw kay Perry C. Mangilaya sa pagkapanalo ng Karangalang Banggit at Pangunahing Gantimpala sa wikang Aklanon! Nanal...
14/11/2021

Pagdayaw kay Perry C. Mangilaya sa pagkapanalo ng Karangalang Banggit at Pangunahing Gantimpala sa wikang Aklanon! Nanalo rin siya ng Karangalang Banggit sa wikang Hiligaynon!

Si Perry C. Mangilaya ay isang premyadong kuwentista at nobelista mula sa Bagacay, Ibajay, Aklan. May-akda siya ng nobelang Bilig aklat pambatang Ang Kahon ni Lolo Yoyong. Kasapi siya ng editorial board ng bagong Liwayway Magazine ng Manila Bulletin Publishing Corp. Nagkamit naman siya ng mga parangal mula sa Palanca Awards, PBBY Salanga Writer’s Prize, Gawad Komisyon ng KWF, at UN-MDGs ng NCCA. Nailathala na ang kanyang mga akda sa Likhaan (UP), Ani (CCP), Ani ng Wika (KWF), Ulirat: Best Contemporary Stories in Translation from the Philippines (Gaudy Boy, New York, USA), 2020: Ang Hinaharap sa Isang Iglap (SWF), Philippine Panorama, Liwayway, Bannawag, Hiligaynon, Bisaya, Manila Bulletin, Tempo, Balita, Alab 7 (UPIS), at iba pa. Naging editor na rin siya ng libro at textbook language reviewer sa Filipino ng DepEd.

Pagbati kay Perry C. Mangilaya sa pagkapanalo ng Karangalang Banggit at Pangunahing Gantimpala sa wikang Aklanon! Nanalo rin siya ng Karangalang Banggit sa wikang Hiligaynon!

Si PERRY C. MANGILAYA ay isang premyadong kuwentista at nobelista mula sa Bagacay, Ibajay, Aklan. May-akda siya ng nobelang Bilig aklat pambatang Ang Kahon ni Lolo Yoyong. Kasapi siya ng editorial board ng bagong Liwayway Magazine ng Manila Bulletin Publishing Corp. Nagkamit naman siya ng mga parangal mula sa Palanca Awards, PBBY Salanga Writer’s Prize, Gawad Komisyon ng KWF, at UN-MDGs ng NCCA. Nailathala na ang kanyang mga akda sa Likhaan (UP), Ani (CCP), Ani ng Wika (KWF), Ulirat: Best Contemporary Stories in Translation from the Philippines (Gaudy Boy, New York, USA), 2020: Ang Hinaharap sa Isang Iglap (SWF), Philippine Panorama, Liwayway, Bannawag, Hiligaynon, Bisaya, Manila Bulletin, Tempo, Balita, Alab 7 (UPIS), at iba pa. Naging editor na rin siya ng libro at textbook language reviewer sa Filipino ng DepEd.

Address

Kalibo
5600

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when The Aklan Literati posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Videos

Share