14/10/2017
GOOD NEWS: SOLVING THE PASSPORT PROBLEM
As we all know, pahirapan na kumuha ng passport appointments dahil laging simot ang slots. Dala ito ng at least tatlong dahilan:
1. Mga travel agencies na may 1,200 appointment slots reserved daily.
2. Mga express lane slots na nauubos dahil sa mga kung sino-sinong recommendations ng DFA employees.
3. Mababang limit ng appointment slots na set daily.
PERO BINAGO NA ITO RECENTLY.
1. Tinanggal na ang pribilehiyo ng mga travel agencies, kaya't kailangan na nilang magset ng appointment tulad ng karaniwang mamamayan.
2. Nilimitahan ang marerekomenda ng mga DFA employees. Dati, pwede kahit sino. Pero ngayon, ang maaari na lamang ay kapatid, magulang, anak, asawa, apo, at biyenan, i.e. immediate family. Kahit jowa, hindi na pwede.
3. Tinaasan rin ang appointment quotas sa mga consular offices para mas maraming makapagpa-appointment.
4. Pagbura ng mga pekeng appointments para magamit ang mga slots ng mga totoong nangangailangan.
Dahil rito, mahigit 90,000 slots ang nafree-up noong July at August, at inaasahang mas marami pa ang magiging appointment slots sa susunod na mga buwan.
At dahil marami na uling slots, pinalalawak na ang coverage ng express lane. Ngayon, PUWEDE NANG MAG-WALK-IN ang mga sumusunod:
1. Senior Citizens
2. PWDs
3. Buntis
4. Solo parents
5. Bata 7 taon gulang pababa.
6. OFWs
Kasama rin sa mga makakagamit ng express lane ang mga first-timer na OFW. Magdala lamang ng kahit anong pruweba na ikaw ay ihahire sa ibang bansa upang magamit ang express lane.
Kung gusto mong magbook ng appointment, mangyaring pumunta lang sa www.passport.gov.ph!
ANG SAYA-SAYA, DI BA?! TARA'T I-SHARE NATIN ANG MAGANDANG BALITA! ORAYT? APIR!
Maraming salamat po sa lahat ng mga Department of Foreign Affairs Republic of the Philippines Sec. Alan Peter Cayetano, sa DFA-Office of Consular Affairs, lalo na kay DFA-OCA Usec Joel Montales para sa pagpapatupad ng repormang ito.