16/09/2024
BEWARE: Mag-ingat sa bagong NAIA terminal assignments information na naglalabasan
Sa mga kababayan natin na merong flight schedule simula today, mag-ingat po kayo sa mga naglalabasang information sa ngayon tungkol sa bagong assignment ng TERMINALs sa NAIA.
September 14, ang official na start ng turn-over sa NAIA management to San Miguel Corporation. At kahapon, maraming mga naglabasang information tungkol sa plano nilang pagbabago sa terminal assignment.
Sa planong inilabas ng San Miguel, ang gagawin nila ay ang mga sumusuno: Terminal 1 (Exclusive for Philippine Airlines International flight), Terminal 2 (Domestic Flight ng Phil. Airline at Cebu Pacific), Terminal 3 (All other International Flight planes/carriers) and Terminal 4 (Air Asia).
Sa ngayon, ito ay PLANO pa lang at wala pa silang nilalabas kung kelan ito mag-uumpisa. Marami ang nag-akala na ito ay mag-uumpisa na September 14, kasabay din ng turn-over ng operation sa kanila.
Wala pa ding pagbabago sa ngayon. Para makasigurado po kayo, confirm nyo po sa airline na sasakyan nyo po kung may flight kayo today at sa mga darating na araw.