10/04/2024
PAANO MALALAMAN KUNG ANG KAUSAP NATING TICKETING AGENT AY SCAMMER??
TO GOOD TO BE TRUE
"First Come First Serve" ang price ng mga airline ticket. Dahil mura, ito rin ang unang mauubos. Kaya habang papalapit tayo sa travel date natin mas tumataas yung price ng ticket. kapag SOBRANG MURA ng ticket tapos isang linggo na lang biyahe mo na, MAG TAKA KA NA.
DUMMY ACCOUNT
Makita lang natin na maganda at guwapo sa profile picture tapos merong logo ng mga airline sa likod iniisip kaagad natin legit yung account. Hindi na tayo nag-abalang gumawa ng background check. Napakadali ng mandaya ng account ngayon. Kukunin yung profile picture, background at post. Dapat pansinin natin yung mismong account. Gaano na katagal yung account, ilan ang friends/followers, wala ba tayong nakikitang negative comment o di kaya "ANGRY REACTION" sa post, kung meron alamin kung bakit.
LOW RISK
Wala pang hinihingi sa iyong details pero may ticket ka na kaagad? O di naman kaya hindi mo pa bayad pero nai-book na? Laging tandaan na bago natin maibook ang ticket ay kailangan muna natin itong bayaran, maliban na lang kung personal mong kakilala yung kausap mo. Pansinin din natin yung MODE OF PAYMENT, kanino nakapangalan? Humingi ng proof of payment at tignan kung sa kaparehong pangalan/numero din ipinadala ang mga bayad.
At upang 101% LEGIT at siguradong HINDI ka mai-SCAM dito kana magpabook (Hindi man ganun ka mura pero hindi Scam 🤣😂)
Ikaw paano ka nakakaiwas sa Scam? Pa-share naman para makatulong tayo sa iba 😊😊😊