03/09/2022
magkano Ang gastos ko sa pag apply sa cruise ship?
Kwento lang,
Ako ay na hired unang contract sa RCCL bilang Isang Galley Steward, noon pa Naman Alam ko na Ang gastos kung magkano dahil sa kanila mga kwento, at Sabi Sabi na mag laan ka ng budget at least 60k dahil sa passport holder lang Ako at Wala Ako seaman book at basic training Nung panahon na yon
Una gasto ko, basic training 4,500 nag pa COP pa Ako nang 1k plus
Sunod na gastos ko crawd management 3500
Sunod SDSD na 500
Sunod marlins 900
Free Naman Ang Medical,
pero pag may health issue ka Ikaw parin Ang gagastos sa sarili mo,Gumastos Ako ng 4k para sa maintenance ko, at check up sa ibang specialist
Sa dentist Naman Teeth Cleaning at pasta gumastos Ako ng 3k mahigpit Sila pag dating sa dental,
Tapos US visa gumastos Ako ng 7k
Pero ibabalik Naman sayo Ang binayad mo on board, basta itago mo lang Ang resibo.
Tapos Mga pamasahe, pagkain, at xerox load, gumastos Ako mga 8k more or less dahil sa kaka apply ko saan saan, paulit ulit Ako bumabalik sa agency kaht Alam ko naka pag pasa na Ako sa kanila. Ganun Ako ka kulit. Kaht na interview na nila Ako at bumagsak nag apply parin Ako😄 halos Kilala na nila Mukha ko,😄
Pero Naka tipid Ako dahil may Bahay kami sa manila. Di na kailangan pa mag rent, apply lang Ako nang apply,
Ang huli ko gasto ay ticket na 45k Dito na umikot Ang paningin ko, na shock Ako sa ticket na papunta U.S 😄 Nagkataon na mahal pa Ang plane ticket dahil na taon Ako December season,
Nag ka utang utang Ako ng panahon na Yan😄 tutuloy ba Ako o Hindi. Dahil sa Akala ko Ang gastos ko ay pareho lang sa landbase Mali Pala, 😄 Masyado din Ako nag madali nag expect, pero salamat sa dios dahil lahat Naman ng pagkaka utang ko ay nabayaran Yan ng Isang contract lang, at may nauwi pa Ako kahit paano😊 Kaya maghanda ka ng 60k to 70k
Lalo na pag sa rccl ka na hired, 😄 sa iba agency baka mas ma baba pa Ang magastos mo, pero sa rccl pricey yan
Ikaw?? Ready ka narin ba??
Kaya pag handaan nyo Ang mga Oras na pag na hired kayo sigurado budget din Ang kakaharapin nyo,