Betchai The Explorer

Betchai The Explorer Lakwatserang Ilonga sa Maynila

Puerto Galera DIY Tour Book 🏖Mas mura talaga kapag nag-D.I.Y. sa travel instead of "travel & tours" kasi limited time la...
14/12/2022

Puerto Galera DIY Tour Book 🏖

Mas mura talaga kapag nag-D.I.Y. sa travel instead of "travel & tours" kasi limited time lang ang bawat places and of course, medyo nakakapagod maghabol ng schedule tulad ng mga nawawalang jowa nyo. 🤭😅🤣

First stop namin from office is Buendia DLTB terminal, byaheng Batangas Port 🚌 for Php280.00 po mga Kalaagan.

From Batangas, sa mismong gate po ng Port merong babayarang Insurance Fee Php50.00 at papakita nyo ang Valid ID nyo.

Sa loob ng Port may Php30.00 Terminal Fee at Php620.00 Montenegro Fast Craft, at Php580.00 naman sa bata papuntang Puerto Galera Port.

Pagdating sa Puerto, pipila kayo sa tent para makapagbayad ng Tourist Fee for Php120.00.

P.S. Kung nakapagbook kayo ahead of time sa AirBnB, Klook, Booking, & etc. kailangan nyo lang ipakita yun sa Tourism Peeps doon sa tent or pwede nyo sabihing magwalk-in kayo. Though, I highly suggest magbook kayo ahead of time para less hassle or kung may kamag-anak or kakilala, pwede nyo rin sabihing invited kayo at need nyo lang tawagan yung kakilala nyo para makausap nila.

Tricycle fare is Php150.00 good for 4pax na, strict compliance sa kanila na up to 4pax lang per tricycle.

Best tips to spend in Puerto is in White Beach, free entrance, pwede umupo sa seashore.
Meron din Sand Castle for Php20.00/head with Unlimited Picture plus si kuyang photographer. May mga mag-ooffer na kukunan ka aside sa kanila which is pwede mong bigyan ng tip.
Malapit din ang "I ❤ Puerto Galera" na free unli picture. May mga resto/bar sa bay walk, maganda maglakad sa gabi, night swimming pero malakas ang alon kaya dobleng ingat lang po.
May mga comedy bars din po which we can drink beer and eat their specialty food/pulutan.

P.S. Casa Marco Suites beach front ang pinakamalapit sa White Beach also accessible ang Souvenir Shops at Resto Bar. Mga food sa baywalk nila ay nasa Php120.00 to Php200.00 and up lang naman. Meron din po water activity offer sila sa seashore na mga nagtitinda or sa Sand Castle. ☺

May mga nag-ooffer din ng falls/mountain tours for Php300.00/pax doon sa mga tricycle driver. Also, they can tell you saan mas mura ang mga souvenir.

Island Hopping for Php300.00/pax & add-on Php400.00 if gusto nyo ng Snorkeling. Meron din po Banana Boat, Water Fun, Jet Ski, and Wind Surf.

Best Tips para makatipid while enjoying the beach is tumambay maghapon sa White Beach Seashore while kumakain ng balot, taho langka/strawberry flavor, kropek, chicharon and etc.

Enjoy travelling guys!
Hope to see your comment with picture enjoying the Puerto Galera.

Please don't forget to like, follow and click the notification bell for more Betchai The Explorer Tips! 🥳

13/12/2022

As kolsener agent, my goal is travelling around the globe pero dahil mahirap lang, tiis² muna sa pinakamalapit na tourist spot. 🤭

Address

Unit 152 Row 18 Block 2 Habitat
Manila
1018

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Betchai The Explorer posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Betchai The Explorer:

Videos

Share

Nearby travel agencies


Other Manila travel agencies

Show All