
13/03/2025
Bakit mo gustong pumunta sa US?
Isa ito sa pinakaunang tanong sa US visa interview, kaya siguraduhin mong maipaliwanag nang malinaw, detailed pero concise.
Kapag tinanong ka ng consular officer tungkol sa purpose ng iyong US trip, gusto nilang makita kung nag-match ang sagot mo sa klase ng visa na ina-applyan mo. Kung for tourism, sabihin mo kung anong mga lugar ang gusto mong bisitahin at anong activities ang balak mong gawin. Example, “I want to visit New York to see Times Square, the Statue of Liberty, and watch a Broadway show.”
Kung business trip naman, ipaliwanag ang nature ng iyong trabaho at kung anong event, meeting, or partnership ang pupuntahan mo. Halimbawa, “I am attending a business conference in Los Angeles organized by NBA.”
Para sa student visa, importanteng banggitin ang school na nag-accept sa iyo at ang kursong kukunin mo. Example, “I have been admitted to Yale University for a Master’s in Business Administration.” or “I have been accepted to MIT for a degree in Computer Science.”
Mahalagang maging honest at specific dahil ito ang magiging basis ng consul sa susunod nilang mga tanong. Iwasan ang generic na sagot tulad ng “for travel” lang. Better if may detalye para ipakita mong may malinaw kang
plano.
https://www.facebook.com/share/p/1BgJL4mgcF/