10/11/2019
A FRIENDLY REMINDER TO ALL BIYAHERO'S
PAALALA SA MGA NAGTRA-TRAVEL at GUSTO MAGBAKASYON.
"THE EARLIER YOU BOOK, THE LOWER FARE YOU WILL GET." Never ever po mangyayari na 1-2 days before your travel date, may makukuha pa kayong promo. WALA PO! As in WALA!!😜 Tapos magrereklamo kayo ang mahal naman. Instead na mapa-mura kayo, baka mapamura talaga kayo sa sobrang mahal ng ticket. 😂
KAYA PARA 💯% MAKATIPID at 💯% MAKA-MURA ng pamasahe sa ✈️ eroplano, ganito po yon:
➡️ Mas mura ang rates kapag malayo pa ang travel date (atleast 2-3 months before).👍
➡️ Mas mahal ⚠ sa PEAK SEASON, gaya ng 🎄December and 🏖 Summer, kasi maraming nagbabakasyon. 👍
➡️ Kapag nag-announce ng promo ang airline, yan ay for a limited booking period and selected dates lang. 👍
Hindi po kayo hihintayin ni airline kung kelan niyo gusto mag travel. 👍
KASI GANITO YON:
➡️ Halimbawa may 200 seats ang eroplano
➡️Syempre kukwentahin ni airline kung ilan ang minimum pax niya para kumita bawat lipad.
➡️If you notice 9 pax lang bawat booking ang pwede.
➡️Kasi hinahati ni airline ang number of seats sa 9 bawat segment.
➡️ Bawat segment may presyo, simula sa cheapest promo rate.
➡️ So unahan yan sa booking.
➡️Pag napuno yang unang segment...
➡️Next segment available na, pero mas mataas na rate, and so on.
➡️ Walang deadline ang promo, paunahan ng booking yan.
➡️At remember, hindi lang ikaw ang naghahanap ng murang pamasahe.
➡️Kaya pag sinabing promo, book na.
➡️ At huwag naman maghanap ng pamasaheng 500 pesos.
📢📣 TAKE NOTE:
➡️ May piso fare nga pero hindi totoong piso lang ang babayaran mo. Kahit nga pamasahe sa jeep walang piso. 😂
➡️ May taxes and booking fees pa yan, insurance at bagahe.
KAYA ITO ANG TIP KO:
Una: Planuhin in advance (at least 6 months) ang travel mo.
Pangalawa: Kung may promong swak sa travel date mo, book mo na agad.
A friendly reminder from:
Roxy's Travel and Tours