27/05/2024
DAHIL SA FLIRT COVID-19: BOQ NAKA-HEIGHTENED ALERT NA
Ipinag-utos na ni Department of Health (DOH) Secretary Ted Herbosa sa Bureau of Quarantine (BOQ) na magsagawa ng masusing pagsusuri sa mga point of entry para sa mga dumarating mula sa mga bansa kung saan natukoy ang mga bagong variant ng COVID-19 na “FLiRT”.
Kinumpirma ni DOH spokesperson Assistant Secretary Albert Domingo nitong Lunes na mayroong BOQ’s Memorandum No. 2024-48 na may petsang Mayo 24, na naglagay sa lahat ng istasyon ng BOQ at iba pang kinauukulang ahensya sa ilalim ng “heightened alert” para sa mga variant ng FLiRT.
“The BOQ, as directed by Secretary Herbosa, is conducting thorough screening for symptoms of COVID-19, among others,” saad ni Domingo.
Sinasabing ang KP.2 at KP.3, na mas kilala bilang “FLiRT,” ay kasalukuyang nagpapakalat ng mga variant ng COVID-19 sa ilalim ng pagsubaybay ng World Health Organization (WHO). Sila ay kasunod ng JN.1—isang variant ng interes—na siyang responsable sa pagtaas ng impeksyon sa unang bahagi ng taong ito.
Nagpaalala ang BOQ sa mga biyahero na kumpletuhin ang health questionnaire na makukuha sa e-travel app. Ang mga may mga senyales at sintomas ng COVID-19 ay pinayuhan din na pumunta sa home isolation.
“The general public should take basic health measures such as frequent hand washing, coughing etiquette, avoiding crowded situations and getting in contact with people with flu-like symptoms,” saad sa memorandum.
Ayon sa DOH, ang lahat ng rehiyon sa bansa ay nananatiling mababa ang panganib para sa COVID-19, sa kabila ng mababang pagtaas ng mga kaso na naobserbahan kamakailan at mga bagong variant na sinusubaybayan sa buong mundo.
SOURCE: ABANTE NEWS