11/10/2022
JUST IN || Nakatakdang buhayin muli ng pamahalaan ang Cadlao Oil Field sa El Nido, Palawan kasabay ng paghahanap ng administrasyong Marcos ng iba pang source ng langis bilang pagtugon sa tumataas nitong presyo.
Matapos makahikayat ng interes mula sa mga foreign investors ay sisimulan na ang pagsasagawa ng isang on-site survey sa Cadlao oil field, ayon kay Pres. Bongbong Marcos.
Itoy matapos aprubahan ng Department of Energy (DOE) ang Australian energy firm na Sacgasco na ituloy ang on-site survey ng drilling locations sa kanilang service contract areas sa huling quarter ng 2022.
Matatandaang ang kumpanyang Sacgasco ay nag-ooperate sa bansa bilang Nido Petroleum Philippines (NIDO) na may Service Contract na 6B sa Palawan basin.
"The activities will pave the way for the drilling of 2 wells - 1 exploration and one appraisal, by the first half of next year," ayon kay Marcos.
"For SC 6B, the appraisal well for the Cadlao oil field could lead to early oil production towards the second half of 2023 while the recoverable volumes expected from the oil field are 5 to 6 million barrels of oil." dagdag pa nito.
Ang Cadlao ay isang dating oil field na huling nakapag-produce noong 1990s ng 11 milyong bariles ng langis.