22/04/2021
BIYAHE NG MGA EROPLANO SA KALIBO INTERNATIONAL AIRPORT, NAGBALIK NA
Ni: Jay-ar M. Arante, Energy FM Kalibo|| April 22, 2021
Simula nitong Abril 20, 2021 ay nagbalik na ang flight operation sa Kalibo International Airport.
Ito ang kinumpirma ni CAAP Manager Eusebio Monserate Jr. sa Energy news ngayong umaga.
May mga flights na umano silang tinatanggap mula sa Metro Manila at sa ibang palirapan sa bansa pero may mga airline company pa na kanselado parin ang operasyon.
Kabilang parin sa mga requirements ng mga pasahero ay ang negative RT-PCR test result 72 hours bago ang kanilang biyahe at Qr code.
Tumigil ang flight operation ng Kalibo International Airport matapos i lockdown ang NCR nitong Abril.