07/04/2021
Still closed in April 21😴
QUARANTINE SERYE
Totoo po ba na GCQ tayo, YES
Tatagal mula APRIL7, hanggang Abril 21 (7-21 taya na)
Ito po ang aming napag usapan sa pagitan ng Mg amiyembro ng Provincial IATF
kasama ang Pagbilao sa unang 10 na sumailalim sa GCQ dahil ( sa high-medium-low risk) ito po ang lumabas
Meron tayong medium risk sa ADAR o average daily attack rate o numero ng bilang ng mga kaso ng covid sa loob ng dalawang linggo ( divide by our population)
At low risk sa 2WGR o 2 week growth rate sa nakaraang dalawang linggo.
Bago mag holy week nag higpit tauo sa tourism activities sa pagbilao
✅ bakit? Dahil po
Before holy week: pumalo tayo sa 18 cases sa loob ng isang linggo
After holy week: hanggang sa ngayon padalawa dalawa na lng po nag popositive
KAYA PINAGBAWAL ko po dati ang TOURISM,
Kahit po mag ilan na natampo.
Dahil nag desisyon po na GCQ tayo ayon sa rekomendasyon ng PROVINCIAL IATF
Ito po ang general guidelines na aming napag pulungan:
1- curfew 8pm to 4am
18 years old- 65 years old makakalabas
2- bawal ang mga kasiyahan
Ex.: bawal po ang reception ng kasal
Libing - 10 katao lang po pwede
3- kung may kasiyahan man,limitado po ito sa loob ng bahay,at tanging mga nakatira lang sa bahay na yon ang dadalo, bawal ang kapit bahay
LIQUOR BAN din po tayo
4- outdoor at non- contact sports lang ang pinapayagan
Ex.: biking,skateboard, firing
Kung non contact pero indoor,bawal nga po
Pwedeng mag ehersisyo ang ano mang edad,pero hindi naman po pwedeng maghapon ka nag eexercise
5-bawal ang computer shop,bilyaran,amusement centers,theater,casino,loterya,sabong, anumang uri ng betting ( liban na lang kung may permiso mula sa oposina ng Pangulo ng Pilipinas) at iba pang kagaya nito
6- bawal ang anumang uri ng Turismo
Ex.: island hopping, swimming, camping,pictorial at iba pang kagaya nito.tanging ang may DOT accreditation lamang ang pwedeng magbukas pra sa mga essential na gawain pero hindi ang turismo ( ex.: gagamitin ang hotel na quarantine facility)
7- religious activities-30% seating capacity ng bahay dalanginan/ simbahan ang pinapayagang maging okupado,
8- pagtitipon o mga patawag ay maari kung ito ay essential para sa operasyon ng gobyerno o may kinalaman sa mga stratehiya ng gobyerno para sa kinakaharap nating sitwasyon (30%)
9- medical at dental missions o humanitarian activities ay maaring payagan kung may permiso ng Provincial IATF ( subject pa din sa pagpayag ng Punong Bayan)
10-APOR o authorized person outside residence lang ang pwedeng nasa labas
Maari po tayong sitahin ng kapulisan
( kagaya po ito ng dating ipinatutupad)
11- ang mga MEDICAL EMERGENCY o mga nangangailangan ng MEDICAL attention Ay hindi sakop ng paghihigpit na ito.
Habang ang mga essential na gawain at mga hanap buhay ay mananatiling pinapayagan
Ang ilan ay 100% ,ang ilan ay 50% capacity etc na ilalabas natin sa anyo ng Executove Order
Base na din sa NATIONAL IATF guidelines)
Ang mga apektado po sa dalawang linggong kaganapan na ito ,ay pipilitin nating maabot ng tulong .
Mamaya isasagawa po namin ang pag- uusap ukol sa abril 7-21 na mga pangyayari.
Ang GCQ po ay pangalawa sa pinakamaluwag sa estado ng quarantine ( ang iba po naka ECQ kagaya sa manila at iba pa)
Isipin na lang po natin na mas maayos ang ating sitwasyon,kumpara sa iba
At ang ating pamilya ay walang covid
Yon pa lang ,shoot na sa banga!
Alam ko po ang sasabihin ,
“KUNG MAY QUARANTINE,Kailangan ko din ng “QUARTADIN”, (ctto)
Mahirap ,pero kailangan po natin sumunod
Sana makakuha n po tayo ng bakuna na mabibili,sana po.
Mag ingat po tayo
- Mayor Sher An♥️🐠
Note: ito nga po si palandi umay na din mag disinfect,para na syang astronaut ,hirap ng suot nya
Pero hindi nasuko san juan