27/01/2024
REMINDERSโโโ
1. Kadalasan ng published rates ng airlines ay BASE FARE ONLY, unless otherwise stated. Ano nga ba ang ibig sabihin pag BASE FARE PROMO?
- Base Fare is the amount of fare before taxes, fuel surcharge and terminal fees are added.
- Illustration: May seat sale or piso fare ang airline, sa post nakita mo 1, 99, 299, 399 and so on.
- BASE FARE: Php 268 x 2 way (published rate ni airline sa post) for example roundtrip CRK-CEB-CRK
VAT: Php 118
Terminal Fee: 300
Aviation Security Fee: 30
Fuel Surcharge: 450
Web Admin Fee: 560
Total Amount: Php 1994
- Di maaaring di mo bayaran ang tax, at mga fees na yan kasi government mandated yan.
2. Naka promo ba ang ganitong date?
Example Christmas Season, HolyWeek, Special Holidays, Long Weekends.
- 95% Hindi PO. Dahil ang mga petsang ito ay tinatawag na black out dates kung saan, di applicable ang promo fares dahil sa taas ng demand, dahil sa ang daming gustong magbiyahe sa ganitong time.
3. Discounted po ba ang bata, 3 years old and above?
- Considered as adult rate na po sila.
- Infant Rate is only applicable for 2 years old and below at dapat, wala pang 2 years old ang bata sa date ng travel para maging eligible sa infant rate.
4. Magpapabook po sana ako kaso bukas ko pa po mababayaran, pwede po ba ipareserve yan?
- BOOK AND BUY BASIS po ang airlines. Ibig sabihin, para mapasayo ang booking na gusto mo, kailangan muna itong bayaran bago makapag issue ng ticket. Dahil kadalasan, walang kakayahan ang agency na i-hold ang seats o promo fares.
5. Bakit inoffer ako ng murang fare sa una kong inquire nung babalikan ko mahal na?
- First come first served basis po ang booking ng promo. Maaaring nung nag inquire po kayo, available pa dahil maaga pa. Ngunit nakabase pa rin ang final ticket price sa oras kung kailan ninyo masesettle ang bayad. Kaya dapat wag na magpaligoy ligoy pa kung may nakita nang sale.