04/09/2021
ISIPIN MO Toh ha!...🙄🙄🙄
Positive ka! Pero Asymtomatic ka tapos yung nakasalamuha mo mahina immune system naging symptomatic 😏
Kwento ng covid sayo✌
Nagkita tayo. Nung araw na nagkita tayo, wala akong nararamdamang kahit ano. Walang ubo, sipon, lagnat. Kaya nakampante ka, hinubad mo ang face mask mo habang nagkkwentuhan tayo. Ganun ka rin, wala kang nararamdamang kahit ano, kaya tinanggal ko rin ang mask ko. Tayong dalawa lang naman ang magkasama. Eh ang kaso, may nakasalamuha pala akong covid positive na asymptomatic kaya naging carrier din ako, asymptomatic lang din. Dahil pareho tayong walang mask nung nagkita tayo, nahawaan kita nung virus. Pero malakas ang immune system mo at naging asymptomatic ka lang din. Kaso, pag-uwi mo sa bahay niyo, meron ka palang kasamahan na hindi naman lumalabas ng bahay pero mahina ang resistensya, nahawaan mo siya pero siya, naging symptomatic.
"Hindi naman lumalabas ng bahay, paano naging covid?" Eh kasi nga ikaw ang nagdala ng virus sa bahay niyo. Hindi porket kaya ng resistensya mo yung virus ay kaya na rin ng ibang tao.
Sa madaling sabi, hindi ka dapat makampante kahit sino pa ang makakasalamuha mo. Walang pinipili ang covid. Responsibilidad mong ingatan ang sarili mo and by doing so, naiingatan mo rin ang mga tao sa paligid mo.
Isang taon na mahigit, people. Hindi pa rin maintindihan ng karamihan ang basics. ALWAYS WEAR YOUR MASKS AND PRACTICE ACTUAL PHYSICAL DISTANCING. AND NOT TO MENTION, DO RELIGIOUS HAND HYGIENE. According to CDC, hand washing is the single most effective way to prevent the spread of infections. You can spread certain "germs" (a general term for pathogens like viruses and bacteria) casually by touching another person.
Keep safe, everyone!