24/09/2020
Caloy Libosada: Dadagdag ako sa gulo dahil sinisira nyo araw ko. Para sa mga biglang naging expert sa beach nourishment at anlalakas ng loob na tawaging bobo yung mga natatawa or naiiling sa dolomite beach.
- Manila bay is already an armored beach (google nyo)
- The nourished area beside the U.S. embassy can be identified as the point of accretion (google nyo ulit)
- It becomes the accretion point dahil naging parang headland yung compound kung saan umiikot yung longshore current (mag webster naman kayo).
- Kung sumasama kayo sa beach clean up, alam nyo na palaging mataas ang level ng lupa/buhangin/burak sa gilid ng embassy. Pinaka ideal na tambakan ng dolomite dahil kita agad at madaling mapapasaya yung mga sabik sa white sand beach (psst!.. na cancer-causing).
- Beach nourishment is done to protect a community or a mainland. Eh, armored na ang Manila baywalk. So.... tapon pera drama yan.
- Bulkhead ang design ng armoring ng Manila bay walk, hindi revetment (ayus, google time again!). Mas solid ang tama ng alon kaya malakas ang scouring effect (tanungin nyo na lang tita nyo kung scotch brite ba yun) pagbalik ng alon sa dagat.
- At dahil sa Bruun Rule, malalaman nyo na "nature always finds its balance" (manghiram na lang kayo ng geology book sa kapitbahay nyo). Meaning, unang takal pa lang yan. Kakainin ng dagat, idedeposito sa ilalim. Paulit-ulit hanggang maging stable ang dolomite (basta walang super lakas na bagyong darating).
- Kalokohan yang sandbags, parang gawa ng OJT na karpintero. Dapat groyne ang nilalagay para konti lang ang tumapon na buhangin sa dagat (and yes, its googable). Beach management is an exact measurement. Pero kung chinese contractor ka na tumulong sa pang-aagaw ng mga isla ng Pilipinas or protektado ka ng kulto, "anong exact exact science yan?!"
- Yung dolomite, galing sa mga magubat na bundok ng Alcoy sa Cebu. Habitat ng mga highly endangered wildlife at ibon tulad ng Black Shama at Cebu Flowerpecker. Ano kamo? Environmentalist ka?
- yung pinagminahan, napunta yung excess sa dagat. Pumapatay ng mga coral reefs ng Cebu.
- yung tinambak sa Manila Bay na mapupunta sa ilalim ng dagat, papatay rin ng mga benthic organisms (ayan na naman si google!).
- Unang takal pa lang ang 389 million. Mahina ang tatlong takal usually sa beach nourishment.
- entonces - kalokohang project yan. Tama na po. Concerned ako sa mental health nyo. (ah, yes, pwede mo rin i-google translate ang entonces).