15/02/2022
PAMIMI Family,
Ang ilang taon na pamamalagi ko tuwing summer sa camp ay hindi matatawaran ang saya. Lahat ng paglilingkod at pagsasama natin ay nagbigay ng lubos na kasiyahan. Ang pagsalubong sa inyo ay napakalaking kasiyahan na nagbibigay ng lakas sa aming puso na parang palaging darating ang isang pinananabikang kapamilya. Ganyan kayo kahalaga sa amin.
Pinakamahirap pala talaga ang mamaalam, sana hindi ito ang katapusan ng ating pagsasama. Ngunit sa ngayon, mabigat man sabihin ang mga salita, PAALAM Pamimi Family.
Ate Shiela