04/09/2023
advisory
e-Gates sticker, idikit sa passport at wag itapon
Sa mga kababayan natin na hindi pa alam at uuwi sa mga darating na araw sa Pinas, be aware na nagkakaroon na din ng pagbabago po sa system natin sa airport, at isa na dito ay ang pag-gamit nila ng e-gate (not in all airport terminal).
Yong dating dadaan ka pa sa immigration personnel for checking at paglagay sa passport ninyo ng disembarkation pag-uwi nyo sa Pinas, ay pinalitan na nila sa ngayon ng electronic gate system.
Mas mabilis na po ito dahil need nyo lamang pong scan ang passport ninyo, then take a picture and finger printing, then Ok na at pwede na kayo lumabas at get your baggage. Wala na kayong dadaanan pang immigration personnel.
After na matapos ang screening sa inyo, meron palang lalabas na STICKER sa machine. Hwag na hwag nyo po itong itatapon dahil ito ang patunay ng pagdating nyo sa aiport sa Pinas.
Need nyo po itong idikit sa passport nyo dahil yan po ang titingnan nila kung kelan ang huling dating mo sa Pinas. Pagkakuha nyo ng sticker, idikit nyo po agad sa passport nyo.
The last time I travel at dumaan sa airport, meron akong narinig na isang kababayan natin na meron problem dahil itinapon nya ito at hindi naidikit ang sticker sa passport nya.
So again, just a reminder po, wag na wag nyo pong itapon ang sticker from e-gate machine, at idikit nyo po agad sa passport nyo.
NOTE: We offer document translation (Tagalog, English, Nihongo), document creation (SPA, Affidavit, etc.), and application form printing. Send us a private message here if you need it.