03/04/2021
FREQUENTLY ASKED QUESTIONS:
1. Pwede po ba ang Antigen Test lang pag sa Cotabato City ang punta?
- Hindi po. Lahat ng residente o bisita ng Cotabato City ay kailangan makapakita ng NEGATIVE RT-PCR Result kung hindi ay hindi po kayo papayagan na sumakay ng eroplano. NON-NEGOTIABLE po ito.
2. Kung dadaan lang sa Awang Airport at hindi sa Cotabato City ang punta, ano po ang kailangan?
- Pwede na po ang Antigen/Saliva Test para sa mga lalapag sa Awang Airport na hindi residente o bisita ng Cotabato City.
3. Kung may Negative RT-PCR Result, kailangan pa din po ba ng 14-days quarantine?
- OO. Kung kayo ay hindi APOR, ang 14-days quarantine ay kailangan ninyong tapusin kahit may negative RT-PCR result kayo. Imomonitor kayo ng inyong mga Barangay at kung kayo ay lalabag sa quarantine ay mapapatawan kayo ng karampatang parusa.
4. Paano po kung may Roundtrip ticket na kami at di abot sa 14-days quarantine, paano po yun?
- Pwede kayong magrebook ng ticket o di kaya ay ipagpaliban na lang muna ang paglipad. Inuulit po namin, mandatory ang 14-days quarantine para sa non-APOR.
5. Saan po makakakuha ng Letter of Acceptance?
- Maaari po kayong makipag-ugnayan sa CDRRMO ng Cotabato City upang matulungang kayo sa pagproseso ng Letter of Acceptance. LIBRE po ito.
6. Kailangan pa ba ng Letter of Acceptance ng APOR?
- Hindi na po.
7. Kailangan pa ba ng RT-PCR result ng mga APOR sa Cotabato City?
- Oo. Kailangan po ito.
8. Paano po kung papuntang Manila, kailangan pa din ba ng RT-PCR result?
- Hindi na po.
9. Kung kami ay OFW at nabakunahan na ng Anti-COVID Vaccine, kailangan pa din ba namin ng RT-PCR at quarantine?
- Oo. Kailangan pa din ng Negative RT-PCR at ang 14-days quarantine kahit na kayo ay nabakunahan na.
10. Kung kami ay APOR at nabakunahan na, kailangan pa din ba ng RT-PCR at quarantine?
- Para sa lahat ng APOR, ang Negative RT-PCR ay kailangan pa din kahit kayo ay nabakunahan na. Pero ang 14-day quarantine ay hindi na po mandatory.
11. May kasama po kaming bata, pati po ba sila kailangan ng RT-PCR?
- Kung ang kasama niyong bata ay may gulang na 3 years old pataas, kailangan po ng RT-PCR. Tanging mga sanggol hanggang 2 years old lamang ang hindi na required ng RT-PCR.
12. Kung kami ay babyahe papuntang Cotabato City mula sa ibang rehiyon sa Mindanao by land, ano po ang kailangan namin dalhin na mga dokumento?
- Ang lahat po ng papasok sa Cotabato City by land ay kailangang may hawak na CCTS card.
Please refer to the FAQs and their corresponding answers above. Maraming salamat po.
CM Atty. Cyn In Action Cotabato City
VM Graham Nazer "Grei" G. Dumama
It's more fun in Cotabato City