![](https://img4.travelagents10.com/522/387/1133636285223877.jpg)
13/02/2025
‼️𝑷𝑨𝑨𝑳𝑨𝑳𝑨 𝑺𝑨 𝑴𝑮𝑨 𝑾𝑯𝑰𝑻𝑬 𝑷𝑾𝑫 𝑰𝑫 𝑯𝑶𝑳𝑫𝑬𝑹𝑺 ‼️
Ipinababatid ng aming tanggapan na ang White Persons with Disability ID ay opisyal nang 𝐩𝐡𝐚𝐬𝐞 𝐨𝐮𝐭 𝐚𝐭 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐧𝐚 𝐦𝐚𝐚𝐚𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐠𝐚𝐦𝐢𝐭𝐢𝐧 bilang patunay ng pagiging benepisyaryo ng mga pribiliheyong nakalaan para sa mga taong may kapansanan.
Kaakibat nito, 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐧𝐚 𝐢𝐭𝐨 𝐭𝐚𝐭𝐚𝐧𝐠𝐠𝐚𝐩𝐢𝐧 𝐬𝐚 𝐚𝐧𝐮𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐞𝐬𝐭𝐚𝐛𝐥𝐢𝐬𝐲𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭𝐨 para sa pag-avail ng diskwento, libreng access sa sinehan, at iba pang insentibo.
Upang matiyak ang patuloy na pag-tanggap ng mga benepisyong nakalaan para sa sektor ng Persons with Disabilities, 𝐦𝐚𝐡𝐢𝐠𝐩𝐢𝐭 𝐧𝐚 𝐩𝐢𝐧𝐚𝐩𝐚𝐲𝐮𝐡𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐥𝐚𝐡𝐚𝐭 𝐧𝐠 𝐖𝐡𝐢𝐭𝐞 𝐏𝐖𝐃 𝐈𝐃 𝐡𝐨𝐥𝐝𝐞𝐫𝐬 𝐧𝐚 𝐢-𝐩𝐫𝐨𝐬𝐞𝐬𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠-𝐫𝐞𝐧𝐞𝐰 𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐧𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐈𝐃 𝐬𝐚 𝐥𝐚𝐥𝐨𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐝𝐚𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐧𝐚𝐡𝐨𝐧.
Para sa mga nais mag-apply o mag-renew ng QC Person with Disability ID, maaaring:
• I-download ang QCitizen app o i-access ang link na ito — https://qceservices.quezoncity.gov.ph
Mangyari lamang na magtungo sa mga sumusunod na tanggapan:
📍 𝐐𝐂 𝐏𝐃𝐀𝐎 𝐌𝐀𝐈𝐍 𝐎𝐅𝐅𝐈𝐂𝐄 – Ground Floor, Community Center Building, Quezon City Hall Compound
📍 𝐃𝐈𝐒𝐓𝐑𝐈𝐂𝐓 𝐎𝐅𝐅𝐈𝐂𝐄𝐒 (𝐃𝐢𝐬𝐭𝐫𝐢𝐜𝐭 𝟏 𝐭𝐨 𝐃𝐢𝐬𝐭𝐫𝐢𝐜𝐭 𝟔)
Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring makipag-ugnayan sa aming tanggapan sa pamamagitan ng:
• PDAO QC
• 📧: [email protected]
• 📞: 8988-4242, Local 8123/7809
Maraming salamat sa inyong pang-unawa at pakikiisa!