Kelan ang next tour date na available?
- Kahit kelan nyo gusto. Kayo ang mamimili ng pecha.
- Kelan ba ma-approve ang VL nyo? Usually Saturday-Sunday ang confirmed tours. But the tours are always up and available kaya kayo ang bahala. Nandito lang kame lagi tawag lang kayo. May Banyo Ba?
- Yes, sa camps natin marami at malinis ang mga banyo. May Tubig Pampaligo Ba?
- Yes, sa camps natin marami
kaya hindi nyo na kailangan bumomba sa poso para lang sa tubig dahil may pump.
- Pero may poso rin naman kung gusto nyo matuto mag-igib ng tubig ala pinoy-style.. Pano yung mga Tent?
- May pang Animan(6pax), Apatan(4pax) Tatlohan(3pax), Dalwahan(2pax). Hindi po namin sinasagad para maluwag kyo sa loob ng tent. Halimbawa...
sa (6pax)-4pax, (4pax)-3pax, (3pax)-2pax pwedeng matulog para maluwag kyo sa loob ng tent...
- Garantisadong may sarili kayong tent.
- Hindi po nagsasama sa tent ang hindi magkakakilala. May Cottage Ba?
- Yes, sa camps natin may kasamang cottage para malilim at pag umambon may masisilungan. All In Ba?
- Yes, damit na lang ang dadalhin nyo.
- Yes, kasama na ang driver, gas at toll dito.
- Yes, kasama na lahat, relax na lang kayo: Transpo, Food & Drinks, Activities, Camp, Tents, Equipments, First Aid and Guides etc. Pwede Umarte?
- No, bawal ang maarte dito lalo na sa mga camping tours natin. Adventure tours po ito at hindi Peninsula o Shangri-La Hotel. Pwede tumawad, kami na lang magdadala ng food, drinks, tents, gears?
- Pwede naman... Hanga't maari complete tours talaga ang offer namin. Para itong mga tours na ito sa mga workaholic na gusto na lang sumampa ng sasakyan at mag-outing ora mismo. Wala nang isip isip, relax na lang kayo.
- Instant tours kasi talaga to eh, parang take out ba. Minsan kung nag-oopisina ka may panahon magluluto ka pa ng hapunan pag uwi sa bahay, bago mamamalengke ka pa. Pero minsan, instant mami na lang niluluto mo kasi gusto mo na lang matulog. Isipin mo na lang Instant Mami kami.
- Malinis po ang mga pagkain at sariwa at siguradong masasarapan at mabubusog kayo... at hindi bitin...
I. Anong Oras ang alis ng Metro Manila?
- Mga 2 am to 2:30 am
- Pwede magpa-late? Yes, at your convenience kung 10-17 persons kayo. Pano magpa-Reserve?
5 Easy Steps to make a Reservation
1. Contact Us para humingi ng kopya ng Reservation File ng complete details ng itineraries and inclusions.
2. Contact Us para ipaalam na magdedeposit na kayo.
3. Magdeposito ng 30% downpayment sa BPI account na nakalagay sa Reservation file at itago ang deposit slip. dahil kukunin namin ito sa araw ng tour bago umalis ng Metro Manila kasabay ang natitirang 70% na Balanse.
4. Contact Us para ipaalam na nakapagdeposito na kayo.
5. Tatawag kami pabalik para kumpirmahin ang tour date ninyo.
* Downpayments are non-refundable except if we cancel because of bad weather or fortuitous events.