20/04/2025
| PALAWAN, TOP 1 SA “WORLD’S BEST ISLANDS TO VISIT FOR 2025” NG ISANG AMERICAN MEDIA COMPANY
Nanguna ang Palawan bilang "World's Best Island to Visit" para sa taong 2025 base sa ulat na inilathala ng U.S. News & World Report, isang American media company na nakabase sa Washington D.C nitong Marso 2025.
Inilarawan dito na ang mga destinasyon sa Palawan tulad ng Kayangan Lake sa Coron at Bacuit Bay sa El Nido ang ilan sa patuloy na pinupuntahan ng mga turista gayundin ang ilang larawan ng mga tourist spots sa lalawigan.
Sa tala naman ng Provincial Tourism Promotions and Development Office (PTPDO), sa unang kwarter ng 2025 ay umabot na sa mahigit 300,000 ang tourist arrivals sa lalawigan, isang katibayan na ang Palawan ay isa sa bucket list ng mga turista sa buong mundo.
Palawan Provincial Tourism Office