Sanchez Mira Tourism

Sanchez Mira Tourism Online Resource for Sanchez Mira's Visitors and Tourists

Medyo slightly mapanakit si Baggak Hotel and Restaurant for today's bidyow po, opo ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜…๐Ÿ˜‹๐Ÿœ
17/01/2025

Medyo slightly mapanakit si Baggak Hotel and Restaurant for today's bidyow po, opo ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜…๐Ÿ˜‹๐Ÿœ

Nilalamig ba? ๐Ÿฅถ O nanlamig na? ๐Ÿฅน

Whatever you feel, a steaming bowl of LOMI always drives the good vibes. Lalo na, kung Lomi ng Baggak Hotel and Restaurant!

Sobrang lamig na naman dito sa norte ngayon! Kaya come back na sa Baggak, miss mo na 'to ๐Ÿ’™๐Ÿ’›

PASASALAMAT para sa immersion students ng Namuac Academy na nagtapos ngayong araw sa kanilang Work Immersion sa ilalim n...
17/01/2025

PASASALAMAT para sa immersion students ng Namuac Academy na nagtapos ngayong araw sa kanilang Work Immersion sa ilalim ng patnubay ng Tourism and Information Office.

Matapos ang kabuuang 20 araw na nagsimula noong nakaraang December 9, 2024 at natapos ngayong January 17, 2025 -- nawa'y maging inspirasyon ang opisina sa kung paano ninyo minamahal at mamahalin ang Sanchez Mira, at mai-apply sa mga susunod na inyong tatahakin ang lahat ng ipinamulat sa inyo. Ang inyong dedikasyong matuto ay malaking bagay para sa pagpapalawig ng inyong kaalaman bilang mga estudyante. Ang opisina ay naging pangalawang eskwelahan upang maranasan ninyo ang iba't-ibang gawain sa turismo at komunikasyon.

Sa ngalan ng Tourism and Information Office at LGU Sanchez Mira, lubos kaming nagpapasalamat sa pamunuan ng Namuac Academy sa pagtitiwalang inyong ibinibigay. Nawa po ay nakatulong kami sa simpleng pamamaraan.

Mabuhay at pagbati sa inyo, Ashley Mejia at John Yadao!

๐Ÿ–‹ K. Domingo

Nagsagawa ng Mini-Field Trip ang Tourism Office para sa mga immersion students na naka-assign sa opisina. Ang mga estudy...
15/01/2025

Nagsagawa ng Mini-Field Trip ang Tourism Office para sa mga immersion students na naka-assign sa opisina. Ang mga estudyanteng mula sa Namuac Academy ay sina Ashley Mejia at John Yadao; at mula naman sa Sanchez Mira National High School ay sina Laurence Jake Sadoy at Vince Johnzen Gamurot.

Adhikain ng nasabing field trip ang ipakita kung ano ang meron sa bayan ng Sanchez Mira: mula sa mga destinasyon, hotel, mga produkto, pagkakakilanlan, tradisyon at mga hanapbuhay.

Kasama sa aktibidad si Kagawad Avelino Ganiban bilang Barangay Focal Person for Tourism ng Barangay Namuac. Hinikayat ni Kagawad Ganiban ang mga estudyante na mahalin at alagaan ang sariling bayan.

Ayon naman sa Tourism Staff na si Rome โ€œKylaโ€ Domingo, nawa'y maging boses at mata ang mga kabataan para sa patuloy na pagpapakilala sa mga naggagandahang angkin ng ating bayan, at patuloy na maitaas pa ang kanilang nalalaman.

Ang mga destinasyong kanilang dinaanan ay ang mga sumusunod:
๐Ÿ“ŒNamuac Sand dunes
๐Ÿ“ŒMinanga Estuary
๐Ÿ“ŒNagsimbaanan Ruins
๐Ÿ“ŒDagueray Boulevard

๐Ÿ“ŒRowena's Bakeshop (Suman Latik)
๐Ÿ“ŒChing's Fruitwine- Region 2

๐Ÿ“ŒBaggak Hotel and Restaurant
๐Ÿ“ŒLazarian Hotel
๐Ÿ“ŒReluxx Tropicana Resort & Hotel

Limitado man ang oras na nailaan, busog naman sa karagdagang kaalaman ang naibaon sa bawat isa.

๐Ÿ“ธ๐Ÿ–‹ K. Domingo

Ngayong ๐—ก๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป๐—ฎ๐—น ๐—”๐—ฟ๐˜๐˜€ ๐— ๐—ผ๐—ป๐˜๐—ต, halina't matuto kung paano magsulat ng pelikula. Mula kay Direk Carla Pulido Ocampo. ๐Ÿ˜Š
13/01/2025

Ngayong ๐—ก๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป๐—ฎ๐—น ๐—”๐—ฟ๐˜๐˜€ ๐— ๐—ผ๐—ป๐˜๐—ต, halina't matuto kung paano magsulat ng pelikula. Mula kay Direk Carla Pulido Ocampo. ๐Ÿ˜Š

LIBRENG WORKSHOP: Paano magsulat ng pelikula? ๐Ÿ˜Š

Ngayong ๐—ก๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป๐—ฎ๐—น ๐—”๐—ฟ๐˜๐˜€ ๐— ๐—ผ๐—ป๐˜๐—ต, halina't matuto mula kay Direk Carla Pulido Ocampo. Narito ang mga detalye:

EXCLUSIVE FOR SANCHEZ MIRANIANS
FREE Workshop:
WRITING FOR FILM
2025 February 1, 8, 15, 22 (Saturdays)
Seminar Room, 3rd Floor Sanchez Mira Town Hall
9AM to 12NN

15 SLOTS ONLY
- 6 kabataan (from SK Clusters)
- 3 kabataan (open category)
- 6 open age

In-person Written Entrance Test (creative essay) shall be on January 28, 2025
Seminar Room, 3rd Floor Sanchez Mira Town Hall
5:30PM to 6:30PM

Chosen writers shall be announced by January 30, 2025

Bring your own baon ^_^

---

ABOUT THE MENTOR

Two-time Gawad Urian Awardee and FAMAS Awardee Carla Pulido Ocampo is a film director, writer, and editor.

She is a respected mentor to aspiring filmmakers, having been invited to conduct masterclasses for cinema events in the Philippines such as the NCCA Cinema Rehiyon, the Hundred Islands Film Festival + CCP Tuloy Po Kayo Program, UPLB PelikuLab's Pelikultura, and many other prestigious seminars, symposia, and film festival workshops where she discussed screenwriting, directing, post-production, documentary filmmaking, gender issues, cultural competence, and grassroots filmmaking practices.

Direk Carla is currently the Tourism Officer of Sanchez Mira, Cagayan -- her maternal hometown.

---

For inquiries, feel free to come to the Tourism and Information Office.

Project Partners:
Sanchez Mira Tourism
SK Federation - Sanchez Mira
North Luzon Cinema Guild Inc.
Balay Habi Studio







2024 LGU SANCHEZ MIRA TOURISM OFFICE โ€“ TOURIST ARRIVAL STATISTICS Sa taong 2024 ay nakapagtala ang Sanchez Mira Tourism ...
07/01/2025

2024 LGU SANCHEZ MIRA TOURISM OFFICE โ€“ TOURIST ARRIVAL STATISTICS

Sa taong 2024 ay nakapagtala ang Sanchez Mira Tourism Office ng 10,562 Tourist Arrivals, at 12,934 naman para sa Same-day Visitors.

Samantala, 3,193 katao naman ang suma-total ng same-day visitor arrivals ng Sanchez Mira noong mga Holidays tulad ng Holy Week at iba pang long weekends.

Ang "tourists" ay mga bisitang nag-overnight o nanatili nang ilang araw sa Sanchez Mira. Ang "same-day visitors" naman ay napapadaan o pumapasyal sa ating mga tourist attractions, o kaya'y nakikilahok sa mga aktibidad kung saan ang mga partisipante ay hindi residente ng Sanchez Mira sa loob lamang ng isang araw.

Layunin ng pagpapalakas ng turismo na maipakilala ang mga ipinagmamalaki ng Bayan ng Sanchez Mira, kasama ang mga produkto, pasalubong, at mga pasyalan. At higit sa lahat, ang makapagbigay ng hanapbuhay sa mga lokal na mamamayan.

Sa pagsusumikap ng Tourism Office na makakuha ng mga datos sa ating mga Accommodation Facilities, Tourist Attractions, at mga Activities ay nakakapagsumite tayo kada buwan sa opisina ng Cagayan Tourism.

Mapapansing malaki ang itinaas ng bilang ng mga turista at bisita sa Sanchez Mira kumpara sa taong 2023. Ito ay matapos paigtingin ng Tourism Office ang data gathering sa mas maraming pook, sa pakikipagtulungan ng mga Tourism Focal Persons na mga kagawad ng mga barangay.

Ngayong 2025 ay mas higit pang inaasahan ang pagtaas ng ating mga datos.

Mabuhay, Sanchez Mira!

๐Ÿ“ธ M.L.M. Valle sa Namuac Sand Dunes kasama ang Kontra-GaPi
๐Ÿ–ผ๐Ÿ–‹ K. Domingo + inandaniw

Memorable sa Sanchez Mira Tourism Office ang SGLG Assessment this year dahil matapos ang interbyu sa ating Tourism Offic...
16/11/2024

Memorable sa Sanchez Mira Tourism Office ang SGLG Assessment this year dahil matapos ang interbyu sa ating Tourism Officer, na-curious ang Validators sa mga tourist spots natin, lalo na ang Salt-making sa Masisit. Bigla silang nag-field trip doon nang 'di-oras, at sobrang nag-enjoy ๐Ÿ’“๐Ÿ’“๐Ÿ’“

Congratulations, LGU Sanchez Mira sa ilalim ng pagtitimon ni Mayor Abe Bagasin ๐Ÿ˜

20/10/2024

AGRIDAM, SANCHEZ MIRA: Simula ๐™ˆ๐™„๐™”๐™€๐™๐™†๐™๐™‡๐™€๐™Ž/๐™’๐™€๐˜ฟ๐™‰๐™€๐™Ž๐˜ฟ๐˜ผ๐™” ay makararanas na ng "Heavy to Intense Rainfall" ang Cagayan dulot ng , ayon sa Dost_pagasa (5AM Live Broadcast, Oct21).

I-secure ngayong araw ang mga kailangang i-secure. Patibayin ang mga bagay na maaaring liparin, tumumba, o masira sa bagyo.

Paghandaan din ang posibleng pagbaha. Ayon sa ECMWF, GFS, at ICON forecast models, Miyerkules hanggang Byernes (Wednesday to Friday) makararanas ng matinding pag-ulan ang ating area.

Maghanda ng Go-Bag para sa posibleng paglikas.

๐—”๐—ป๐—ผ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฑ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐˜ ๐—ป๐—ฎ ๐—น๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—š๐—ผ-๐—•๐—ฎ๐—ด? Narito ang dati nang ulat ng ating LGU page: https://www.facebook.com/share/p/uxJNeK8YQ9dnipVL/?mibextid=xfxF2i

Manatiling alerto ngunit kalmado, Sanchez Mira.



---

(DISCLAIMER: Ang artikulong ito ay isinulat sa pinaghalong wikang Filipino at Inggles. Kung mababasa ninyo ito sa purong Inggles, iyan ang AUTO-TRANSLATED VERSION mula sa Facebook, at maaaring mali. Walang kinalaman ang LGU Sanchez Mira sa lalabas na translation)

The Ambassadors are BACK! ๐Ÿ˜Ž๐Ÿฆ…
16/10/2024

The Ambassadors are BACK! ๐Ÿ˜Ž๐Ÿฆ…

Mapapa-breakfast yata tayo ngayong gabi hahahahuhuhu ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜…๐Ÿ˜ Maraming salamat sa flex, Norway and Jesus Earth Journey ๐Ÿ˜‹
12/10/2024

Mapapa-breakfast yata tayo ngayong gabi hahahahuhuhu ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜…๐Ÿ˜ Maraming salamat sa flex, Norway and Jesus Earth Journey ๐Ÿ˜‹

MICE Tourism, para sa bayan ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ’“
12/10/2024

MICE Tourism, para sa bayan ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ’“

JUST IN: Nagwaging ๐Ÿฎ๐—ป๐—ฑ ๐—ฅ๐˜‚๐—ป๐—ป๐—ฒ๐—ฟ-๐˜‚๐—ฝ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—Ÿ๐—š๐—จ ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป๐—ฐ๐—ต๐—ฒ๐˜‡ ๐— ๐—ถ๐—ฟ๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—•๐—˜๐—ฆ๐—ง ๐—œ๐—ก๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—ก๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก๐—”๐—Ÿ ๐—˜๐—ฉ๐—˜๐—ก๐—ง ๐—›๐—ข๐—ฆ๐—ง๐—œ๐—ก๐—š (๐—ก๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป๐˜„๐—ถ๐—ฑ๐—ฒ, ๐— ๐˜‚๐—ป๐—ถ๐—ฐ๐—ถ๐—ฝ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐˜๐˜† ๐—–๐—ฎ๐˜๐—ฒ๐—ด๐—ผ๐—ฟ๐˜†) sa ATOP Pearl Awards 2024. Isinumite para rito ang ๐Ÿฐ๐˜๐—ต ๐—œ๐—ป๐˜๐—ฒ๐—ฟ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป๐—ฎ๐—น ๐—ฆ๐˜‚๐—บ๐—บ๐—ถ๐˜ ๐—ผ๐—ป ๐—š๐—ฟ๐—ฒ๐˜†-๐—ณ๐—ฎ๐—ฐ๐—ฒ๐—ฑ ๐—•๐˜‚๐˜‡๐˜‡๐—ฎ๐—ฟ๐—ฑ ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐— ๐—ถ๐—ด๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐—ผ๐—ฟ๐˜† ๐—ฅ๐—ฎ๐—ฝ๐˜๐—ผ๐—ฟ๐˜€.

Kasalukuyang nagaganap ang 25th Association of Tourism Officers of the Philippines (ATOP) National Convention sa Fiesta Filipino Ballroom, The Farm Carpenter Hill, Koronadal City, South Cotabato ngayong hapon ng ika-10 ng Oktubre 2024. Ang ATOP Pearl Awards ay taunang bahagi ng prestihiyosong pagtitipong ito.

Ang tumanggap ng tropeo sa ngalan ng LGU Sanchez Mira ay sina RD Troy Alexander Miano, Regional Director ng Department of Tourism - Regional Office 2; Atty. Mabel Villarica-Mamba, Unang Ginang ng Probinsya ng Cagayan; EnP Jenifer Junio-Baquiran, Cagayan Provincial Tourism Officer, at iba pang mga kawani ng Cagayan Tourism Office at mga kasamahang Tourism Officers mula sa iba't ibang bahagi ng Cagayan.

Ang matamis na tagumpay na ito ay bunsod ng maigting na pagkakaisa ng kawanihan at pamunuan ng LGU Sanchez Mira sa kasalukuyang patnubay ni Mayor Abe Bagasin.

Hindi rin matatawaran ang napakalaking ambag ng mga katuwang na ahensya:

โ˜Department of Tourism - Central Office
โ˜Department of Tourism - Region 2 Office
โ˜Department of Trade and Industry - Regional Office 2 DTI Region 2
โ˜Provincial Government of Cagayan
โ˜Cagayan Tourism Office
โ˜Raptorwatch Network Philippines
โ˜Asian Raptor Research and Conservation Network (ARRCN)
โ˜Cagayan State University

Nawa'y maging inspirasyon ang tropeong ito sa patuloy nating pagsagip sa ibong Sawi at iba pang mga bahagi ng ating kalikasang nasa panganib.

๐Ÿ“ธ J. Bauag ng LGU Rizal Tourism Legendary Rizal



Malaking bagay ang MICE Tourism (Meetings, Incentives, Conferences, Exhibitions) sa kasalukuyang tourist arrivals ng San...
26/09/2024

Malaking bagay ang MICE Tourism (Meetings, Incentives, Conferences, Exhibitions) sa kasalukuyang tourist arrivals ng Sanchez Mira. Maraming salamat, Sanchez Mira Water District at Baggak Hotel and Restaurant for hosting the CAVAWAD General Assembly -- an important REGIONAL convergence that Sanchez Mira is proud to welcome ^_^



Makaka-travel la'ng ang taumbayan kung maayos ang kalusugan ๐Ÿค— Ating samantalahin ang mga LIBRENG SERBISYO ng Rural Healt...
10/09/2024

Makaka-travel la'ng ang taumbayan kung maayos ang kalusugan ๐Ÿค— Ating samantalahin ang mga LIBRENG SERBISYO ng Rural Health Unit Sanchez Mira! ๐Ÿ˜

LIBRENG SERBISYO: Kailan ka huling nagpatingin sa doktor? Huwag nating pabayaan ang ating kalusugan, lalo na't maraming mga libreng serbisyong ating mapakikinabangan mula sa Rural Health Unit Sanchez Mira!

Ilan sa mga ito ay ang sumusunod:

(As of July 2024)

โœ… General Consultation

โœ… Laboratory Services

โœ… Minor Surgery
- Suturing
- Lacerations
- Circumcision
- Incision and Drainage
- Debridement
- Excision of Small Cyst

โœ… Disease Prevention & Control

โœ… TB-DOTS Center

โœ… Medicine Access Program

โœ… Mental Health Services

โœ… Leprosy Prevention & Control

โœ… Non-communicable Disease Prevention & Control

โœ… Health and Wellness Services
- Safe Motherhood Services
- Immunization Services
- Family Planning Services
- Nutrition Services
- Adolescent Health & Development
- Expanded Newborn Screening

โœ… Oral Health Services

โœ… Environmental Health and Sanitation

โœ… Health Education & Counseling

โœ… Medical & Medico-legal Certification

โœ… Communicable Disease Prevention and Control

โœ… Rabies Prevention and Control

โœ… Health Development Program

โœ… Community Based Rehabilitation Program

Kung nais malaman ang mas marami pang detalye tungkol sa mga serbisyong ito, mag-message lamang sa page ng ating RHU. I-like at i-follow n'yo na rin sila! Narito ang kanilang link: https://www.facebook.com/rhusanchezmira



Address

Sanchez Mira Town Hall, Manila North Road Corner Gomez Street, Barangay Centro 1
Sanchez Mira
3518

Telephone

+639667687323

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sanchez Mira Tourism posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Sanchez Mira Tourism:

Videos

Share