12/02/2021
"ESEP-ESEP"
Hindi pa tayong nagsimulang magplano at paghandaan ang napakaposibleng mga pangyayari sa ating buhay tulad ng kasakitan, pagtanda, aksidente at kamatayan DAHIL.......? ๐ค๐ค๐ค
MAGTATATLONG TAON na ako bilang FINANCIAL ADVISOR. Nung nagsimula ako dito ay madami na din akong nakausap tungkol sa pag-iimpok (Savings), pamumuhunan (Investment) at proteksyon (Insurance). May mga nagsabi ng OO, meron na ring kumuha at naka-CLAIM na at madami din ang nagsabi na HINDI. May kanya-kanyang rason naman sila kung bakit daw hindi sila nagsimula pero gusto kong magbalik-tanaw at tingnan kung anu ang kinahinatnan ng kanilang pagsabi ng HINDI. Isa ba tau sa kanila? ๐
1. MADAMI DAW UTANG - madami pa din namang utang ngaun. Lumala pa. Tandaan, ang utang ay hindi natatapos at kung kinuha ka pa ni Lord kawawa ang mga iiwanan mo.. mamomoroblema.
2. MAGPAPAGAWA NG BAHAY - wala pa namang bahay. Kahit poste man lang sana. Malaking PROJECT ang bahay. Mas maganda na mag-ipon ka muna ng mejo malaki-laki at pwede mo simulan sa paunti -unti.
3. MAS MALAKI ANG KITA SA DOUBLE YOUR MONEY - Payout payout daw. Na-SCAM..Ang times two naging zero. Choice naman nila, nasasayangan lang ako.
4. PABAGSAK NA DAW ANG PHILAMLIFE - Hindi ko alam kung kanino narinig ito, pero mas nagtiwala pa sila sa "double ur money" kesa sa akin at sa kumpanya kung nasaan ako๐ค๐ค๐ค. More than 70 years na po ang PHILAMLIFE and still, the Country's MOST TRUSTED AND LEADER ng Insurance Industry.
5. WALANG PERA - wala pa namang pera hanggang ngaun. Mas malala, wala ding naipon. Baka naman hindi dahil sa kulang, check mo lang LIFESTYLE mo, pwede naman magbawas sa ibang paraan or magdagdag ng source of INCOME. Try mo kayang mag FINANCIAL ADVISOR din? ๐๐๐
6. KAKAUSAPIN SI MR/MRS - ayun ung isa namatayan ng Mister saka nag-isip na sana pala kumuha before, sa dami ba namang utang na iniwan sa kanya. Kaibigan, aminin man natin o hindi, may mga desisyon tayong ginawa na hindi pinaalam sa asawa na kung iisipin ay di naman nakakabuti. PERO, bakit ito na beneficial naman sa inyo di mo tinuloy?
7. WAIT LANG DAW MUNA - mag 3 years na ang nakalipas nag-iisip pa daw. Tanong, ilang taon ka na nagtatrabaho? Magkano na naipon mo? Masaya ka ba? If ayaw mong magpatuloy ng ganyang estado , SIMULAN na natin, NGAYON. TANDAAN: Gawin man natin o hindi ang pag-iimpok, lilipas at lilipas din ang panahon.
8. MAGBUSINESS NA LANG DAW - hindi pinagplanuhan ang business. Nalugi at nawala na ang kapital. Bakit hindi mo try ang Mutual Fund or even Stock Investment (Aralin lang mabuti) kasi para ka na ring nag business kasi Part-owner ka ng Top Companies. Wala ka pang overhead expenses at pagod.
9. SABI KASI NG KAKILALA PANGIT DAW ANG INSURANCE - kung magka emergency ka ba, may maitutulong ba si "Friend" na nagsabing hindi daw okay si Insurance. Actually, kung tutulungan ka, siguro darating yung time na isusumbat din sayo yan Sabi nga Ng kanta "Pagdating ng Panahon" (wag naman sana) o baka ito pa ang pag-aawayan nyo soon kasi ang ipinautang sayo ay hindi mo pa rin nababayaran hanggang ngayon. Ito Lang Naman ay base sa obserbasyon.
10. TAMA NA SA AKIN ANG SSS, PAG-IBIG AT PHILHEALTH - namatay si mahal sa buhay, malapit nang ilibing wala pa ang burial benefit, pahirapan pa sa pila, mga nasa opisina kala mo kung sino sila (pasintabi po). Kaibigan, HUWAG umasa na kakasya ang tulong ng gobyerno pag nangailangan ka. Bottomline, nasa atin at sa atin lang nakasasalay ang takbo ng ating buhay.
Ilan lamang ito sa mga dahilan na sinasabi natin sa ating mga sarili. HINDI KO NILALAHAT PERO KARAMIHAN KASI, AMININ MAN NATIN O HINDI, GANITO ANG KASO. Sana magising tayo sa katotohanan.
Kaya, hindi ngayon, hindi bukas kundi dapat kahapon natin pinaghandaan. Nais ko lang ipaalala sayo na hindi tayo laging malakas at hindi rin tayo laging kumikita.Kung ngayon nga ay hindi mo kayang mag-ipon ng paunti-unti, paano pa bukas, di ba? Kaya kapag sinasabi sakin na wala kong pera para dyan, mas NAKAKAALARMA... Kung dito nga wala kang pera para paghandaan kung sakaling dumating ang di-inaasahan, mas lalo na kung darating na ang kasakitan, pagtanda o kaya'y pagkaaksidente o kamatayan. Alam mo ba na sa halagang 2500 monthly lang ay covered ka na kung may sakaling may mangyari sa iyo at pwedeng may katumbas na 1M equivalent coverage na ito? So, tanong ko ulit, sinong walang pera? ~ Tonz
Tonz C. Cuyo Jr.
Associate Unit Manager
BG Financial Professionals
Email Address: [email protected]