04/07/2020
LIMANG DAHILAN KUNG BAKIT HINDI KA DAPAT MAGMAHAL NG BACKPACKER.
1. Ipapa-realize nya sayo na ang liit-liit ng mundong ginagalawan mo.
Hindi lang natatapos ang buhay mo sa apat na sulok ng opisina o bahay mo. Bakit di mo subukang lumabas, mag byahe at saksihan ang ganda ng mundo.
2. Titipirin ka nyan.
Sa karinderya kayo kakain, sa mga murang accomodation or transient kayo matutulog at madalas maglalakd lang kayo para maglibot. Hindi mo naman kailangan ng maraming pera para makapag travel. Tandaan, traveling is not expensive, you just need to be wise. Eat like locals, commute like locals, live like locals. Mas masaya yun.
3. Napaka-independent nya.
Kaya nyang magdisisyon kahit hindi hinihingi ang 'yong opinion. Kumakain mag-isa at mabilis mag-adjust in every difficult situation. If 'Plan A' didn't work, the alphabet has 25 more letters. Napaka-flexible nya.
4. Babaguhin nya ang priorities mo sa buhay.
Ipaparamdam nya sayo na kaya mong mabuhay ng hindi pinapaikot ng pera at ng mundo. Makaka-survive ka kahit walang expensive na gadgets, damit at lifestyle. Hindi mo kailangan maging isang manager or magkaroon ng mataas ng position sa trabaho para masabing tagumpay ka sa buhay. Your definition of "success" will change. Hindi nakadepende sa ibang tao ang kaligayahan o ang buhay mo. You will be less influenced by other people's thoughts.
5.Aalisin ka nya sa comfort zone mo.
Unti-unti ka nyang aalisin sa mga bagay na nakasanayan mo and you will realize na kaya mo naman palang gawin ang mga bagay na kinatatakutan mo. In an instant, your life will become an adventure and exciting!
Pero kung handa ka nang baguhin ang buhay mo, 'wag kang matakot magmahal ng isang BACKPACKER. Hindi mo mamalayan na you might actually find yourself living your life. π