Coun.Gigi Valenzuela De Mesa, Chairman Committee on Tourism, Culture & Arts

Coun.Gigi Valenzuela De Mesa, Chairman Committee on Tourism, Culture & Arts Coun. Gigi Valenzuela De Mesa, Chairman, Committee on Tourism, Culture & Arts / Finance & Appropriations

17/12/2024

PASYAL NA PO KAYO SA ATING PASKUHAN VILLAGE
Taunang Pamaskong Proyekto ni Konsehala Gigi Valenzuela De Mesa at ng kanyang pamilya sa pakikiisa at kagandahang loob ng Pamilya Guerrero na nagpagamit ng lupa.

Matatagpuan sa tabi ng San Sebastian Chapel sa Guerrero Street corner M. L. Quezon Ave. Brgy. Wawa, Lungsod ng Taguig. Bukas ito araw-araw at libre para sa lahat hanggang sa panahon ng Kapaskuhan.










SUPPLEMENTAL BUDGET HEARING NG BRGY. NAPINDAN, RIZAL AT COMEMBO Bilang Chairman ng Committee on Finance and Appropriatio...
12/12/2024

SUPPLEMENTAL BUDGET HEARING NG BRGY. NAPINDAN, RIZAL AT COMEMBO

Bilang Chairman ng Committee on Finance and Appropriations ay nagsagawa tayo ng Committee Hearing para sa 2024 Supplemental Budget na inihain ng Barangay Napindan, Rizal at Comembo na dinaluhan ng kanilang mga opisyal. Ito naman ay aming ipinasa sa committee level dahil sa pagiging compliant sa mga requirements na itinatakda ng City Budget Office at ng DILG.

Nakatuwang ko sa pagdinig sina Coun. Marisse Balina-Eron, Coun. Gamaliel San Pedro, Coun. Edgar Victor Baptista, Ms .Gemma Guzman ng City Budget Office at ang ating SP Secretary na si Mr. Dickson Rono.







11/12/2024
11/12/2024

Happy Birthday Mayor Lani Cayetano

09/12/2024

Kanina ay ipinasa ng sanggunian ang inihain nating resolusyon para sa pagkakaroon ng Local Cultural Inventory (LCI) ang Lungsod ng Taguig na papaloob sa talaan ng Philippine Registry of Heritage ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA).

Ito ay alinsunod sa R.A. 10066 o mas kilala bilang Cultural Heritage Act na inamyendahan ng R.A. 11961. Gayundin ng R.A. 11292 o mas kilala sa An Act Establishing and Institutionalizing The Seal Of Good Local Governance For Local Government Units.

Layunin nito na ang mga identified cultural properties na nasa pangangalaga ng ating pamahalaang lungsod ay maitala at kilalanin ng mga national government agency upang matiyak na ito ay mapangalagaan at mapreserba para sa susunod na henerasyon.







SUPPLEMENTAL BUDGET HEARING NG SK AT BRGY CENTRAL SIGNAL VILLAGENagsagawa tayo ng Committee Hearing para sa 2024 supplem...
06/12/2024

SUPPLEMENTAL BUDGET HEARING NG SK AT BRGY CENTRAL SIGNAL VILLAGE

Nagsagawa tayo ng Committee Hearing para sa 2024 supplemental budget na inihain ng Sangguniang Kabatan at Sangguniang Barangay ng Central Signal Village na dinaluhan ng kanilang mga opisyal. Ito naman ay aming ipinasa sa committee level dahil sa pagiging compliant sa mga requirements na itinatakda ng City Budget Office at DILG.

Nakatuwang ko sa pagdinig sina Coun. Marisse Balina-Eron, Coun. Carlito Ogalinola, Coun. Edgar Victor Baptista, Coun. Garcia at ang ating SP Secretary na si Mr. Dickson Rono.







COMMITTEE HEARING NG COMM. ON TOURISM TUNGKOL SA LOCAL CULTURAL INVENTORY Nagsagawa tayo ng pagdinig para sa isang Sangg...
06/12/2024

COMMITTEE HEARING NG COMM. ON TOURISM TUNGKOL SA LOCAL CULTURAL INVENTORY

Nagsagawa tayo ng pagdinig para sa isang Sanggunian Resolution na Magkaroon ng Talaan ng Inbentaryo ng mga Kultural na Pag-aari (Local Cultural Inventory) ng Lungsod ng Taguig at ito ay isumite sa National Commission for Culture and the Arts upang maging bahagi ng Philippine Registry of Heritage para sa taong 2024. Agad naman namin ito ipinasa sa level ng komite.

Ang pagdinig ay dinaluhan ng mga kasama kong konsehal sa Committee on Tourism, Culture and Arts na sina Coun. Marisse Balina-Eron, Coun. Calito Ogalinola, Coun. Jaime Garcia at Coun. Edgar Victor Baptista. Dumalo naman bilang mga resource persons and mga kinatawan ng Taguig Cultural Mapping Project na sina Mr. Jomar Encila, Local Project Coordinator, Mr. Leemer Barbado, Secretariat at Mr. Lito Balderrama, Local Lead Mapper.






SALAMAT PO TAGUIG CITY UNIVERSITY
06/12/2024

SALAMAT PO TAGUIG CITY UNIVERSITY

02/12/2024

CONGRATULATIONS!
Dr. Alexis B. Siblag for confirming your position (permanent) as our City Veterinarian by the Sanggunian Panlungsod ng Taguig.
GOD bless!

Nagsagawa tayo ng Committee Hearing para sa 2024 supplemental budget na inihain ng SK Tuktukan, Brgy. Bagumbayan, Brgy. ...
29/11/2024

Nagsagawa tayo ng Committee Hearing para sa 2024 supplemental budget na inihain ng SK Tuktukan, Brgy. Bagumbayan, Brgy. Post Proper Northside at Brgy. Post Proper Southside.

Nakatuwang ko ang kasama kong konsehal sa Committee on Finance and Appropriations na si Coun. Marisse Balina-Eron. Dumalo din sina Coun. Edgar Victor Baptista at Coun. Ed Prado. At ang laging present na si Ms. Gemma Guzman ng City Budget Office at ang ating SP Secretary na si Mr. Dickson Rono.







Ang inyong lingkod bilang Tagapangulo ng Komite ng Turismo, Kultura at Sining sa sanggunian ay lubos na nagagalak at bum...
27/11/2024

Ang inyong lingkod bilang Tagapangulo ng Komite ng Turismo, Kultura at Sining sa sanggunian ay lubos na nagagalak at bumabati sa matagumpay na gawain ng Taguig Cultural Mapping Project.

Asahan ninyo na anumang mga resolusyon at ordinansa ang kailangan sa bahagi ng sanggunian para sa higit na ikapagtatagumpay ng gawaing ito ay agad nating kikilusan, tulad ng mga naunang ordinansa na inihaain natin at inaprubahan ng sanggunian upang ito ay magkaroon ng katuparan.

Patuloy nating tuklasin, sinupin, pagyamanin at itanghal ang mga mahahalagang pamanang kultura ng bayang Taguig. Mabuhay po tayong lahat! Mabuhay ang Taguig!

PAGBATI AT PAGHANGA sa TAGUIG CULTURAL MAPPING TEAMMalugod na pagbati ang aking ipinaabot sa bumubuo ng Taguig Cultural ...
22/11/2024

PAGBATI AT PAGHANGA sa TAGUIG CULTURAL MAPPING TEAM

Malugod na pagbati ang aking ipinaabot sa bumubuo ng Taguig Cultural Mapping Project na pinamumunuan ni G. Jomar Encila, katuwang sina G.Leemer Barbado at ang aking Chief of Staff na si G. Lito Balderrama at sampu ng mga cultural mappers sa kanilang Community Validation activity.

Damang-dama ko ang kanilang pagpupunyagi ng ipresenta nila ang mga cultural properties na kanilang sininop sa loob ng ilang buwan pagtatrabaho. Nawa ang mga ito ay maging gabay namin sa Sanggunian Panlungsod ng Taguig sapag-akda ng mga ordinansa at resolusyon na tutugon sa kapakinabangan ng mgaTaguigeno sa larangan ng pamanang kultura, sining at turismo.

Ito ang matagal na naming minimithi ni Mayor Lani Cayetano. Sa inyong pagpupunyagi at dedikasyon ay nagkaroon na ito ng katuparan sa mainit na paggabay ng National Commission for Culture and the Arts. Maraming salamat din sa mga community validators mula sa ibat-ibang sektor at sangay ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig na gumanap upang ito ay magtagumpay.

Ang inyong lingkod, bilang Chairman ng Committee on Tourism, Culture and Arts sa sanggunian at Tagapangulo ng Taguig Heritage Society ay buong buo ang suporta sa makabuluhang gawain na ito.

Mabuhay ang Taguig Cultural Mapping Project Team! Mabuhay ang Lungsod ng Taguig!





MARAMING SALAMAT AT PAGBATI PO SA INYONG FOUNDING ANNIVERSARY TCU
20/11/2024

MARAMING SALAMAT AT PAGBATI PO SA INYONG FOUNDING ANNIVERSARY TCU

Pagbati at pasasalamat sa Panginoon sa inyong ika-55 Taong Pagkakatatag.
16/11/2024

Pagbati at pasasalamat sa Panginoon sa inyong ika-55 Taong Pagkakatatag.

14/11/2024

Address

Brgy. Wawa
Taguig
1637

Telephone

+639453405819

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Coun.Gigi Valenzuela De Mesa, Chairman Committee on Tourism, Culture & Arts posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Coun.Gigi Valenzuela De Mesa, Chairman Committee on Tourism, Culture & Arts:

Videos

Share