Coun.Gigi Valenzuela De Mesa, Chairman Committee on Tourism, Culture & Arts

Coun.Gigi Valenzuela De Mesa, Chairman Committee on Tourism, Culture & Arts Coun. Gigi Valenzuela De Mesa, Chairman, Committee on Tourism, Culture & Arts / Finance & Appropriations

26/01/2025

VIVA PIT SENYOR!

Ang muling pagbabalik ng P**n Santo Niño sa Kapilya ni San Sebastian matapos ang tradisyunal na paglabas at pagparada nito sa ibat-ibang purok ng Brgy. Wawa.

Binabati natin ang matagumpay at makulay na selebrasyon na ito na pinangunahan ng samahang Friends Again bilang Hermano Mayor ngayong taon at ng ibat-ibang samahan sa Wawa at ng Pamahalaang Brgy. ng Wawa at sa Pamahalaang Lungsod ng Taguig. Gayundin sa Bukluran at kay Rev. Fr. Orlando Cantillon, Rektor at Kura Paroko ng Minor Basilica and Archidiocesan Shrine Parish of St. Anne sa kanyang paggabay sa mga taga Wawa.

Congratulations sa Pamilya ni Aka ER Palima sa pagkabunot nito bilang susunod na Hermano Mayor sa Kapistahan ng Santo Nino sa Taon 2026.

Mabuhay ang mga taga Wawa. Viva Pit Señor Viva Viva Santo Niño



12/01/2025
Matapos ang ordinasyon noong nakaraang araw ay sinaksihan natin ang kauna-unahang Misa de Gracia ni Rev. Fr. Jhon Fred A...
11/01/2025

Matapos ang ordinasyon noong nakaraang araw ay sinaksihan natin ang kauna-unahang Misa de Gracia ni Rev. Fr. Jhon Fred Agustin Ma. R. Carranzo SSP na isinagawa sa Our Lady of Holy Rosary Parish sa Lower Bicutan.

Malugod na pagbati ang aking ipinaabot sa pamilya ni Fr. Lennon lalong higit sa kanyang ina na si Elsa na isa sa aking staff at sa pamayanan ng Lower Bicutan dahil sa pagkakaroon ng panibagong pare na tinawag ng ating Panginoon mula sa kanilang lugar.

We are honored to celebrate your very special day. Congratulations to both of you! GOD bless you more and more
11/01/2025

We are honored to celebrate your very special day. Congratulations to both of you! GOD bless you more and more

11/01/2025

Congratulations Mr. Boy and Mrs. Mina Santos on your 59th Wedding Anniversary. Best wishes for today and beyond.
GOD bless both of you!

24/12/2024

MALIGAYANG PASKO TAGUIGEÑO

Nawa ngayong kapaskuhan ay mapuspos ng pagpapala at kapayapaan ang tahanan ng bawat Taguigeño. Huwag nating kalimutan na ang tunay na diwa ng Pasko ay ang Dakilang Pagsilang ng ating Panginoong Kristo Hesus. Kaya’t dapat nating ipagdiwang at ipagpasalamat ang araw na ito.

Dalangin ko na tayong lahat ay patuloy na pagkalooban ng Panginoong Dios ng buhay na kasiyasiya, masagana at matagumpay.

Pagbati mula sa inyong Konsehala Gigi Valenzuela De Mesa at ang aking pamilya.




21/12/2024

Excerpt of CGVDM Staff Christmas & Thanksgiving Party.

CGVDM Staff Christmas and Thanksgiving Celebration 2024Walang kasing saya na kasama ko ang lahat ng mga taong katuwang k...
21/12/2024

CGVDM Staff Christmas and Thanksgiving Celebration 2024

Walang kasing saya na kasama ko ang lahat ng mga taong katuwang ko sa paglilingkod sa pagdiriwang ng pagsalubong sa pagsilang ng ating Panginoong Kristo Hesus.

Lubos ang aking pasasalamat sa lahat ng inyong pagsasakripisyo mula sa ibat-ibang proyekto at programa na ating ipinatutupad. Mula sa aking SP Staff, Waterlily Livelihood, I Love Aero, THS at Help Desk. Nawa ay huwag kayong magbabago sa inyong mga dedikasyon sa mga darating pang mga gawain natin bilang mga lingkod bayan.

Dalangin ko lagi na pagkalooban tayo ng ating Panginoong Diyos ng buhay na kasiyasiya, masagana at matagumpay.

Sa ngalan ng aking buong pamilya ay binabati ko kayo ng Isang Maligayang Pasko at Masaganang Bagong Taon!










SUPPLEMENTAL BUDGET HEARING NG BRGY. NAPINDAN, RIZAL AT COMEMBO Bilang Chairman ng Committee on Finance and Appropriatio...
12/12/2024

SUPPLEMENTAL BUDGET HEARING NG BRGY. NAPINDAN, RIZAL AT COMEMBO

Bilang Chairman ng Committee on Finance and Appropriations ay nagsagawa tayo ng Committee Hearing para sa 2024 Supplemental Budget na inihain ng Barangay Napindan, Rizal at Comembo na dinaluhan ng kanilang mga opisyal. Ito naman ay aming ipinasa sa committee level dahil sa pagiging compliant sa mga requirements na itinatakda ng City Budget Office at ng DILG.

Nakatuwang ko sa pagdinig sina Coun. Marisse Balina-Eron, Coun. Gamaliel San Pedro, Coun. Edgar Victor Baptista, Ms .Gemma Guzman ng City Budget Office at ang ating SP Secretary na si Mr. Dickson Rono.







11/12/2024
11/12/2024

Happy Birthday Mayor Lani Cayetano

09/12/2024

Kanina ay ipinasa ng sanggunian ang inihain nating resolusyon para sa pagkakaroon ng Local Cultural Inventory (LCI) ang Lungsod ng Taguig na papaloob sa talaan ng Philippine Registry of Heritage ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA).

Ito ay alinsunod sa R.A. 10066 o mas kilala bilang Cultural Heritage Act na inamyendahan ng R.A. 11961. Gayundin ng R.A. 11292 o mas kilala sa An Act Establishing and Institutionalizing The Seal Of Good Local Governance For Local Government Units.

Layunin nito na ang mga identified cultural properties na nasa pangangalaga ng ating pamahalaang lungsod ay maitala at kilalanin ng mga national government agency upang matiyak na ito ay mapangalagaan at mapreserba para sa susunod na henerasyon.







SUPPLEMENTAL BUDGET HEARING NG SK AT BRGY CENTRAL SIGNAL VILLAGENagsagawa tayo ng Committee Hearing para sa 2024 supplem...
06/12/2024

SUPPLEMENTAL BUDGET HEARING NG SK AT BRGY CENTRAL SIGNAL VILLAGE

Nagsagawa tayo ng Committee Hearing para sa 2024 supplemental budget na inihain ng Sangguniang Kabatan at Sangguniang Barangay ng Central Signal Village na dinaluhan ng kanilang mga opisyal. Ito naman ay aming ipinasa sa committee level dahil sa pagiging compliant sa mga requirements na itinatakda ng City Budget Office at DILG.

Nakatuwang ko sa pagdinig sina Coun. Marisse Balina-Eron, Coun. Carlito Ogalinola, Coun. Edgar Victor Baptista, Coun. Garcia at ang ating SP Secretary na si Mr. Dickson Rono.







COMMITTEE HEARING NG COMM. ON TOURISM TUNGKOL SA LOCAL CULTURAL INVENTORY Nagsagawa tayo ng pagdinig para sa isang Sangg...
06/12/2024

COMMITTEE HEARING NG COMM. ON TOURISM TUNGKOL SA LOCAL CULTURAL INVENTORY

Nagsagawa tayo ng pagdinig para sa isang Sanggunian Resolution na Magkaroon ng Talaan ng Inbentaryo ng mga Kultural na Pag-aari (Local Cultural Inventory) ng Lungsod ng Taguig at ito ay isumite sa National Commission for Culture and the Arts upang maging bahagi ng Philippine Registry of Heritage para sa taong 2024. Agad naman namin ito ipinasa sa level ng komite.

Ang pagdinig ay dinaluhan ng mga kasama kong konsehal sa Committee on Tourism, Culture and Arts na sina Coun. Marisse Balina-Eron, Coun. Calito Ogalinola, Coun. Jaime Garcia at Coun. Edgar Victor Baptista. Dumalo naman bilang mga resource persons and mga kinatawan ng Taguig Cultural Mapping Project na sina Mr. Jomar Encila, Local Project Coordinator, Mr. Leemer Barbado, Secretariat at Mr. Lito Balderrama, Local Lead Mapper.






SALAMAT PO TAGUIG CITY UNIVERSITY
06/12/2024

SALAMAT PO TAGUIG CITY UNIVERSITY

02/12/2024

CONGRATULATIONS!
Dr. Alexis B. Siblag for confirming your position (permanent) as our City Veterinarian by the Sanggunian Panlungsod ng Taguig.
GOD bless!

Address

Brgy. Wawa
Taguig
1637

Telephone

+639453405819

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Coun.Gigi Valenzuela De Mesa, Chairman Committee on Tourism, Culture & Arts posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Coun.Gigi Valenzuela De Mesa, Chairman Committee on Tourism, Culture & Arts:

Videos

Share