29/06/2024
Marami pong ganitong Client? ๐ค
Nangyari na po sa akin...
CLIENT : "Sir, magkano Manila to Davao?"
ME : "Php 1,399 po Sir."๐
CLIENT : "Ay, sige po mahal ka ng 200!!"
ME : "Sir, yan po kasi price rate sa portal namin."
CLIENT : "Thank you na lang po."
(Nagpabook sa iba si Client kasi mura daw ng 200 sa iba. Kinabukasan nag-pm ulit sa akin.)
CLIENT : "Sir, pa'no po pag cancel ang flights? Na-kansel kasi sa akin."๐
ME : "Oops, nagpabook na po pala kayo Sir? Tanong mo po don sa nag-book sa inyo para ma-assist ka nila."
CLIENT : "Tinanong ko na po s'ya Sir, pero ang sabi tawagan ko daw direct si Cebu Pacific. Bakit po ganon? Eeh, sa inyong mga post kayo direct nag-aassist ng mga Clients nyo para ma-settle yung flight changes."
ME : "Aah, yan po talaga ang kaibahan namin na may 200 pesos SERVICE CHARGE Sir. Sabi mo kasi mas mahal ung sa akin. Pero sa ganitong sitwasyon makakaasa kayo na may mag-aasist sa inyo. Hindi kita iiwan hanggang sa makarating ka sa inyong destinasyon. Ngayon, dahil sa mura ka po nagpa-book, ikaw ang tatawag sa airline at pipila ka po doon kung kailan ka nila ma-accommodate. Goodluck po sa inyo Sir. Sana di ka abutan ng flight mo at ma-accommodate ka kaagad ng airlines.
CLIENT : Sir sorry po. Baka pwede nyo akong tulungan, emergency po talaga kasi.๐ฅฒ
ME : Pasensiya na Sir, gusto man kitang tulungan pero hindi po talaga p'wede. Kasi hindi galing sa amin ang booking transaction mo. Ang may power lang po dyan ay ang nagbook po sa inyo, dapat alam nya po yan. ๐
MORAL LESSON: Huwag puro murang presyo lagi ang titingnan o hahanapin! Tingnan mo rin ang QUALITY OF SERVICE. Sa panahon ngayon halos lahat ng mga airlines may flight changes and restriction bawat lugar na puntahan nyo. Ang hanapin mo yung AGENT na makakatulong sayo at sasamahan ka hanggang sa makarating ka ng maayos sa lugar na pupuntahan mo, hindi yung after mo nag-bayad wala ng pake sayo.
Thats true.. ๐๐ค