25/10/2024
Mahal naming mga kabarangay,
Inaanyayahan ang lahat ng mamamayan ng Barangay Malibago na may edad 15 taon pataas na makiisa sa darating na Barangay Assembly Day for 2nd Semester 2024 na gaganapin sa ika-26 ng Oktubre, 2024 (Sabado) sa ganap na ika-1:00 ng hapon sa Malibago, Covered Court.
Tema: Talakayan sa Barangay: Aktibong Diskusyon ng Pamayanan tungo sa Masigla at Maunlad na Bagong Pilipinas
Layunin ng pagtitipon na ito na magbigay-kaalaman ukol sa mga programa at proyekto ng barangay na naisagawa na, mga isasagawa pa lamang at iba pang mga impormasyon ukol sa pamamahala sa barangay. Kaya't tayong lahat ay makilahok sa talakayan tungkol sa mga programa, proyekto, at isyung pangkaunlaran ng ating barangay, upang patuloy nating maisulong ang masigla at maunlad na pamayanan. Hinihikayat ang lahat na dumalo at aktibong makibahagi sa mga diskusyon at pag-uulat na ihahain.
Ang inyong presensya ay mahalaga sa pagtataguyod ng ating barangay. Inaasahan ang inyong pakikiisa!