Dumagat Ecotourism Pagsangahan

  • Home
  • Dumagat Ecotourism Pagsangahan

Dumagat Ecotourism Pagsangahan Nagkakaisang pamayanan ng katutubo sa Brgy Pagsangahan, General Nakar, Quezon, boundary ng Daraitan,

14/06/2022

For Tourism Related Activities 😊😍

Pa book na po!
14/06/2022

Pa book na po!

Hindi po katulad ng ibang minor climb like Mt Gulugod Baboy, Mt Manabu, o Mt Malipunyo.... ay makakapag camping sa itaas...
07/05/2022

Hindi po katulad ng ibang minor climb like Mt Gulugod Baboy, Mt Manabu, o Mt Malipunyo.... ay makakapag camping sa itaas ng Mt Daraitan. Pero isa naman ang Mt Daraitan sa may pinakamagandang 360 degrees overlooking view mula sa peak o summit nito, tulad ng Mt Talamitam, Mt Natib, Mt Maculot.

Kung overnight camping ang hanap mo like traditonal backpackers, before or after climbing Mt Daraitan, may dalawang magkasunod na campsites 30 minutes away before the peak.

Try nyo mag camp sa Atburan Nature Scapade Camping Rental Site or sa Atburan Camping Site Pwede mag tent o magkubo. Sulit na sulit ang akyat mo!

Mapapa kanta kayo ng "I see trees of green, red roses too, I see them bloom for me and you... And I think to myself... What a wonderful world" 🎶🎵🎹

Ito ang Makirapo Falls na matatagpuan sa Makid-ata, Brgy Pagsangahan, General Nakar, Quezon. Para makarating dito ay 5-6...
06/05/2022

Ito ang Makirapo Falls na matatagpuan sa Makid-ata, Brgy Pagsangahan, General Nakar, Quezon. Para makarating dito ay 5-6 oras hiking mula sa Daraitan, Tanay, Rizal. Maaaring mag camp malapit sa sapa.

Malinaw, malinis, malamig ang tubig. Napakagandang talon!

Dito po yan sa Makid-ata, Pagsangahan, General Nakar, Quezon.
01/05/2022

Dito po yan sa Makid-ata, Pagsangahan, General Nakar, Quezon.

Aired (April 30, 2022): Sa isang masukal at matarik na bahagi ng kagubatan sa lalawigan ng Quezon, matatagpuan ang isang puno na nagbibigay ng biyaya sa mga ...

Ang Tinipak Camping Ground ay ang kaisa-isang campsite sa loob ng Tinipak. Madadaanan ito kung inyong kukumpletuhin ang ...
29/04/2022

Ang Tinipak Camping Ground ay ang kaisa-isang campsite sa loob ng Tinipak. Madadaanan ito kung inyong kukumpletuhin ang Tinipak Rock formations tour. Mayroon silang big and small kubo na may sariling CR, may open kubo, may maluwag na campsite, mga "instagrammable spots", at syempre ang malinaw na ilog at napakagandang tanawin!

Magmessage lamang sa kanilang naka tag na Page☝️kung nais magpabook. Maaari rin magpa book sa Page na ito Dumagat Ecotourism Pagsangahan

Welcome po kayo sa Tinipak!Ang sementado at mas maalwan na foot path papasok po ng Tinipak ay galing sa pinagsama- saman...
27/04/2022

Welcome po kayo sa Tinipak!

Ang sementado at mas maalwan na foot path papasok po ng Tinipak ay galing sa pinagsama- samang pondo ng Katutubo, Brgy Pagsangahan, at munisipyo ng General Nakar, Quezon. Wala pong ibang gumagastos sa tourist spots na ito kundi ang mga nabanggit lamang na IPO at LGU.

Nagbabayanihan ang mga taga Brgy Pagsangahan upang maseguro na ligtas at komportable, hindi lamang ang mga mamamayan, pati na ang mga turista sa pagdalaw sa Tinipak. Ito ay sa pamamagitan ng paga ambag ng semento, pameryenda, labor, at iba pa. Kapansin pansin naman ang linis at kaayusan sa bahaging ito ng Tinipak.

Tuloy po kayo!

Hello po! Bago po ang lahat, hinihiling ko po sana sa inyo na i-like/i-follow ang aming Page para sa mas nakakamanghang ...
26/04/2022

Hello po! Bago po ang lahat, hinihiling ko po sana sa inyo na i-like/i-follow ang aming Page para sa mas nakakamanghang natural tourist spots dito sa amin.

Subukan niyo naman po mag hiking at camping sa East part ng General Nakar, Quezon na katabi ng Tanay, Rizal. Marami po ditong campsite at hiking destinations na karamihan ay pag aari at pinapamahalaan ng pamilyang katutubo.

Ang lugar na ito ay sakop ng Brgy Pagsangahan, General Nakar, Quezon. Hindi po kayo babyahe papuntang Infanta, Quezon o dagat Pasipiko. Ikaw ay babyahe papuntang Daraitan, Tanay, Rizal. Pwedeng mag commute.

PLACES TO HIKE/VISIT:
✔️ Tinipak river and rock formations
✔️ Tinipak Caves
✔️ Mt Daraitan
✔️ Atburan Rockies
✔️ Atburan Falls
✔️ Mt Kaymamasam
✔️ Mt Malabito
✔️ Bayucboc Falls and Terraces
✔️ Kuta Bungliw/Sinag Hill and Prayer Cave

PLACES TO CAMP/SLEEPOVER
✔️ Tinipak Camping Ground
✔️ Kuta Bungliw Eco Lodge and Campsite
✔️ Rock dumagat summit
✔️ Atburan Camping Site
✔️ Atburan Nature Scapade Camping Rental Site
✔️ Atburan Native Village (transient house)
✔️ Tatawiran Green-Tourism (campsite and transient house)

Kung nais bumisita at magpa book, mag PM po sa mga naka tag na camps, or sa mismong Page na ito Dumagat Ecotourism Pagsangahan

Address


Telephone

+639197616747

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Dumagat Ecotourism Pagsangahan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

  • Address
  • Telephone
  • Alerts
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Travel Agency?

Share