17/09/2024
https://www.facebook.com/share/1RbVuappgsFajAmm/?mibextid=oFDknk
π ππ π£π₯π’π¬πππ§π’ π¦π π¦π¨ππ¨, ππ£πππ£ππ£ππ§π¨ππ’π¬ π‘π πππ₯π π
Sa kabila ng kamakailang desisyon ng Korte Suprema na ihiwalay ang lalawigan ng Sulu sa Bangsamoro Autonomous Region, tiniyak ng pamahalaan ng BARMM na ipagpapatuloy at tatapusin ang mga proyektong nasimulan sa probinsya.
Isa sa mga malalaking proyektong nakalinya ng pamahalaan ng BARMM para sa probinsya ay ang pagtatayo ng isang bagong paliparan.
Ayon kay BPDA Director General Engr. Mohajirin Ali, mayroon nang Memorandum of Understanding (MOU) ang BARMM para sa proyekto, at kasalukuyang pinag-aaralan ang feasibility study nito.
Dagdag pa niya, patuloy umano na magsisilbi ang regional government sa mga mamamayan ng probinsya upang mabilis na makabangon sa mangyayaring transition ang Sulu.
Bagaman tiniyak ng BARMM na ipagpapatuloy at tatapusin ang mga nasimulang proyekto, nakakapanghinayang pa rin ang mga proyektong maaaring magawa ng gobyerno upang higit pang mapaunlad ang probinsya. (π½π ππ£ππ€π§π’ππ©ππ€π£ πππππππ§ π½ππ)