25/02/2022
Japan News...
Paluluwagin na ng JAPAN ang border restrictions simula Marso, kung saan papayagan na pumasok ang mga dayuhan na estudyante at mga business travelers maliban na lang sa mga turista.
Isa pang importanteng balita para sa mga traveler, kasama ang mga Japanese at foreign residents, ang pagpapa-ikli ng quarantine period from 7 days to 3 days.
▪️ Sino ang maaaring pumasok ng Japan?
Mga dayuhan na kasalukuyang hindi naninirahan sa Japan ngunit may sponsor. Ang mga turista ay hindi parin maaaring makapasok.
Kasama sa maaaring makapasok sa Japan ang mga students, researchers, technical interns at business people. Kasalukuyang may 147,000 na estudyante na may visa ang naghihintay na makapasok sa Japan.
Para sa mga estudyante at researchers, ang mga unibersidad nila ang kanilang sponsor habang ang mga business people naman ay ang kanilang kumpanya.
▪️ Ano ang kailangan gawin ng mga sponsor?
Kailangan nilang mag-sumite ng application online ngunit ngayon ay hindi na sila required na maglagay ng activity plans kung saan nakasaad kung saan pupunta at maninirahan ang mga traveler. Magtatayo ng call center ang gobyerno upang masagot ang mga katanungan patungkol sa application procedure.
▪️ Pararamihin ba ang mga taong papapasukin?
Oo, simula March 1, ang numero ng tao na maaaring pumasok sa Japan ay gagawin ng 5,000 kada araw mula 3,000.
Kasama sa bilang ng taong ito ang mga Japanese nationals at foreign residents na muling papasok sa Japan kasama narin ang mga new entries.
Ayon sa mga businesses at universities, sakto na ang bilang na 5,000.
▪️ Paano kung ikaw ay vaccinated?
Ang quarantine period ay maaari lang mawala kung ikaw ay nakatanggap na ng booster shot at kontrolado ang omicron sa bansang pinanggalingan.
Kung ikaw ay hindi vaccinated o dalawang shots lamang ang natanggap, ikaw ay kailangang mag-quarantine ng tatlong araw sa sariling bahay o sa hotel basta ikaw ay mag-negative sa pangatlong araw.
Ang mga aprubadong vaccines ay Pfizer, Moderna at AstraZeneca.
Ilalabas ng gobyerno ang updated na listahan ng mga bansa na nasa Omicron hot spots sa March 1.
▪️ Maaari na bang bumyahe gamit ang local transportation galing sa airport?
Oo, isa itong malaking pagbabago sa mga papasok sa Japan.
Sa ngayon, hindi maaaring gumamit ng public transportation upang makauwi o makapunta sa quarantine location. Ang option lamang sa ngayon ay mag-rent ng sasakyan o magpasundo sa mga kapamilya.
Ngunit simula March 1, maaari na gumamit ng public transportation galing sa airport.
▪️ Kailangan bang mag-sumite ng negative test result pagpasok ng Japan?
Oo, kailangang magpakita ng negative COVID-19 result 72 hrs bago ang departure papasok ng Japan.