17/06/2024
Ang dami talaga hindi maka intindi!!!
Hindi ko alam kung kulang sa kaalaman o sadya lang ewan!!!...
Alam nyo po ba kahit ikutin mo lahat ng ticketing sa buong Pinas eh wala ka talaga mahahanap na Pisong pamasahe!!!
Kahit pumuti na buhok mo wala ka pa rin mahahanap na piso...
Strategy lang ito ng mga airlines na nagpi piso base fare siya kasi ito lang ang paraan nila para ikaw makatipid ng pamasahe compare sa regular price ok?👌
Tanung:
👉Bakit daw nagpa piso fare si Cebu Pacific eh hindi naman pala piso babayaran?
Sagot:
👉Sa buong buhay mo na ikaw na nakasakay na ng eroplano nasubukan mo na ba magbayad ng piso??.
Sige payag ka piso ibabayad mo pero sa bubong ka ng Eroplano sasakay?
Ito Explain ko sa iyo...
Bakit umabot ng libo babayaran o binabayaran mo kapag sa Travel agent ka nagpabook?
Halimbawa Manila to Bacolod September biyahe mo one way✈️🛬
Base Fare:Php 1
Administrative Fee :Php 300
Fuel SurCharge :Php 688
Domestic Passenger Service Charge:Php 185
Ph Value Added Tax : Php 46.68
Vat for Admin Fees :Php 36.00
Sub total:Php 1,255.68
Travel Agent Fee:Php 200
Total Ticket Price : Php 1,455.68
Ito paliwanag ko sa iyo dyan...
Lahat ng binabayaran mo ay binabayad din yan nila...
Katulad sa eroplano,nagpapa sweldo yan ng mga Live Agent na mag aasikaso ng client.
At sa 200 naman binayad mo sa Travel agent Fee eh nagpapaload yan,nagbabayad ng kuryente ,tubig ,tauhan(kung meron man sarili pwesto).
Ngayon tanungin kita sa halagang 1,455 malaki na ba sa 'yo or maliit lang?
Naintindihan kita gusto mo makatipid pero sa sobrang pagtitipid mo imbes na makauwi ka na eh nauna pa lumipad ang pera mo dahil katwiran mo mahal!!!!
Hindi mo ba alam kami mga Travel Agent halos kulang tulog namin? Madalas kahit sa pagkain nalilipasan para lang maasikaso kayo?
Oo wala kami karapatan magreklamo kasi pasahero kayo....
Baka naman sabihin niyo Customer is always Right? tamaan na ang tamaan sa sinabi ko ngayon pero in real talk ito nangyayari sa 'yo at kung bakit napapapunta sa scammer ang iba😢...
At panghuli ito tatak sa isip mo!
‼️👉walang Promo kapag rush flight tandaan mo yan!!!
palage namin sinasabing mga Legit Travel Agent na maging mapanuri at ingatan mo ang pera mo!!!
Huwag basta magpapadala!!!
Matutong mag stalk sa FB ng agent na makaka usap mo at higit sa lahat kapag naka lock FB niya matakot ka na okay??!!
Godbless everyone🙏
ctto