21/02/2023
Kamusta!!!God is allowing you to read this . Nahihirapan ka ba unawain ang Bibliya?
Ang daming nagpaoaliwanag ,ang daming pangalan ng simbahan ,ang daming turo ,ang daming mukha nga ,ngunit ito ba ang layunin ng Diyos ang magkabahagi -bahagi ang tao sa pananampalataya.
Ang nais Niya ay magkaisa tayo ,Iisa ang Diyos iisa sila ng Panginoong Jesus.Iisa ang Bibliya.Kaya kung anong laman lamang nito ang dapat natin matutuhan ,hindi ba ?hindi sapat ang natutuhan ,nagiging madilim pa rin sa atin ang kaunawaan dito ,dahil ba kapag nalaman natin ang kaalaman ,mahihiya ba tayo na sila ay bahaginan dahil tayo ay nagkukulang ,dapat tanggapin natin ,dahil ang Diyos ay puno ng kaalaman ngunit hindi agad binigay sa tao upang gamitin sa pansariling kapurihan.
Kaya sa talinghaga lagi Niya itong sinasabi dahil ang may pagpapakumbaba lamang sa Panginoong Jesus ang tutupad ng sinasabi Niya ngunit ang hindi nakakaunawa ay ay naging kalaban ng Panginoong Jesus.Sa ng bahagi ng kasulat ang pharisees teachers of the law ang ,sinasabi ng Panginoon na mapagimbabaw dahil ,nakikita nila ang pagkakamali pisikal ngunit hindi nila nakikita ang kasalanang ispiritwal ,dahil nabatay ang turo nila sa Law of moses ,ngunit dahil nga sa pagibig ng Diyos sa atin ,kahit ang isa Niyang Anak na si Jesus ay inihandog Niya ,dahil sa kasalanan natin ,maari naman ,wag na tayong pansinin o hayaan na lamang na magdusa sa impiyerno ,ngunit ang plano Niya ay hindi masisira dahil habang ang tao ay kumikilala sa Panginoong Jesus ,nalalaman Niyang ,hindi tumitugil ang Diyos upang muli ay magbalik sa Panginoon ang lahat ng tumalikod at humingi ng tawad sa lahat ng kasalanan at hindi na muling gumawa pa ng kasalanan
Hanggat ang tao ay nagpapatuloy sa kasalanan ,at hindi niya natagpuan ang buhay ,ang liwanag sa pamamagitan ng Anak Niya walang paglilinis na magagaganap,Siya ang handog na pinakamalinis ,higit sa anumang hayop na sinusunog kada taon na gingawa ng mga israelita.Kaya kailangan makipag-isa kay Cristo ,tayo ay magigung isang bagong nilalang ,wala na ang dati nating pagkatao tayo ay bago na .2 Corinthians 5:17.
Mahirap maging bagong nilalang o bago ang ispiritu natin ,kailangan natin punuin ng salita Niya upang magpatuloy tayo sa ating naisin na maging anak ng Diyos dahil sa paligid ay puno ng laban,laban sa bagay na hindi galing sa Diyos .Mga tukso upang muli ay bumalik tayo sa pagkakasala .Sundin ang kasiyahan ng katawan ,masunod ang pagiging konektado sa gawain ng nasa paligid ,i will do this ,i will do that ,sa ganitong paraan masisira tayo muli dahil sa pagnanasa natin sa mga bagay ,interaction to all things ,kaya lalong nasasaktan si Lord dahil nais Niya ay maging anak Niya tayo noong panahon pa ng ating ninunong Abraham ,maging sinrami ng buhangin sa dagat na maglilingkod sa Kanya .
Sa pagbabalik kaya ng Panginoong Jesus tayo kaya ang sasalubong sa Kanya at makakasama sa bagong langit at bagong lupa ,at nakasuot ng puting damit.Dahil hindi lahat ng tumatawag ng Panginoon Panginoon ay makakapasok sa kaharian ng langit kundi ang sumusunod lamang sa kalooban ng Aking Amang nasa langit .Amen.
Sa palagay mo ba ,iilan na ang talagang sumusunod sa Diyos ,na nakakakilala sa Diyos bakit patuloy ang paglayo ng tao sa Diyos dahil ba sa kahirapan ng buhay ,paguusig ,pagdadalamhati.Nakasulat sa Revelation 21:4 At papahirin ang luha sa kanilang mga mata ,wala nang sakit ,dalamhati ,pagtangis at pagdadalamhati kapag lumipas na ang mga bagay. Kung ano mang hadlang upang matuto makaunawa ,upang mabuo muli ang pagibig mo sa Diyos ,huwag kang matakot dahil ang salita Niya ay hindi mawawala hanggang hindi ka nalilikha ayon sa layunin Niya .Kung nabasa mo ito sumunod ka .Nagsimula na paghahari sa iyo ,ang mga bagay na mangyayari pa ay gamtimpala na sa pagbabalik Niya .
Kapatid hindi aksidente ang bawat letra ito ay may pagibig upang maramdaman mo na kahit tayo ay isang makasalanan matatanggap pa rin tayo ng Panginoon .
Magtiwala,Manampalataya sa Diyos at matutupad ang nakasulat na sa Bibliya ,hindi ito gawa ng tao ,ito ay mula sa ispiritu ng Panginoon ,upang isulat at maging ugnayan at tipan mo sa Kanya .Isulat sa isip at itatak sa puso .,ito ang tipan na hindi Niya sisiraan kundi tutuparin .Upang manampalataya at maligtas ka sa fire of lake burning sulfur.Napakasakit di ba kasama mo ang kalaban ng Panginoon ,ang nagsasabing sambahin Siya ng Panginoong Jesus at ibibigay ang lahat .Pati ang Lord tinutukso ,pati ang Panginoon gustong pagtaksilin katulad niya ,na anghel na nagtaksil upang magkaroon ng trono at ilayo ang tao sa Diyos .Laging may panlilinlang na magaganap upang dayain ang lahat na binigyan ng Diyos ng hininga ng buhay ,ngunit napaglingkuran ba natin Siya sa buhay na binigay sa atin ,kung hindi natin alam ang mga layunin Niya.
Matatalo ba natin ba natin magisa ang kaaway kung ang salita Niya ay hiwalay sa atin ,nais ng Diyos na magkaroon ng relasyon sa iyo sa puso at isip upang tumibay ka sa pananampalataya ,magaral ka upang malikha ka ng kawangis Niya hindi sa pisikal kundi ispirituwal .
Magumpisa ka ngayon ,anuman ,estado mo ,anumang pinagdaraanan mo .Umpisahan mo sa Diyos .Dahil ito ang nais Niya ang makasama ka at maging anak na kailanman ay hindi susuway .Amen.❤️🙏Fighting :