13/07/2022
ITO ung PANAHONG lehitimo pa ang GRADO at PINAGPAPAGURAN..
Nung dipa ISYU ang baba o taas ng nakuhang marka at ang mahalaga ay may natutunan.
Nung panahong kakampi pa ng g**o ang magulang..
Nung ang pagpalo sa bata ay tama lang at wala pang TULFO na tatakbuhan.
Nung pinalo ako ng g**o at sila parin ang kinampihan ng aking magulang.
Nung dipa masyadong OA ang karapatan ng kabataan.
Nung ang isip pa ng tao na ang PAGPALO ay di PANG AABUSO kundi para matama, lumaking batang EDUKADO, SIBILISADO AT DISIPLINADO..
Nung dipa mas magaling ang magulang kesa sa kaguruan dahil sa sobrang nabigay sa kanilang karapatan.
Nung dipa tale ang kamay ng g**o, at ang mas binibigyan ng diin ay ang pagkatuto at hindi sa ideyang dapat LAHAT AY PASADO.
Nung dipa uso ang magic sa pagsukat ng kaalaman para lang mapasaya at pakisamahan ang magulang sa paaralang pinaglilingkuran..
Kaya kabayan, sa gradong ganyan lalo na ng aking kapanahunan, IPINAGMAMALAKI KO YAN ng WALANG NI KATITING NA KAHIHIYAN dahil yan ang PINAKAMAKATOTOHANAN na mismong sa bata tlaga ang pinanggagalingan kahit sitenta y singko lang ang gradong ng pangkalahatan.
Β©